Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

P5M shabu nasabat sa Pasay City

$
0
0

MAHIGIT sa P5 milyon halaga ng shabu ang nakuha sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA operatives sa Pasay City kaninang hapon.

Kinilala ang nasakote na si Ariel Impedion, nakuhanan ng isang kilo ng shabu.

Nasakote ang suspek sa FB Harrison sa Pasay City.

Sinasabing ang nadakip ay kasamahan ng mga nauna nang nahuli ng grupo ng sindikato sa Quezon City kamakailan.

The post P5M shabu nasabat sa Pasay City appeared first on Remate.


Isinakong bangkay ng bata natagpuan sa Rizal

$
0
0

ISANG bangkay ng bata na nakasilid sa sako ang natagpuan sa isang bakanteng lupa sa Tanay, Rizal sa ulat ng pulisya.

Ang hindi pa nakilalang bata ay tinatayang nasa edad anim hanggang pito, nakasilid sa sako at basta na lang iniwan sa isang bakanteng lote sa Quirino St., nabanggit na lugar.

Ayon sa nakatagpo sa bangkay, noong una ay inakala niyang basura lamang ang nakasilid sa sako pero laking gulat niya nang tumambad ang mga hita ng bangkay.

Iniimbestigahan na ang nasabing insidente.

The post Isinakong bangkay ng bata natagpuan sa Rizal appeared first on Remate.

2 RPA-ABB members nilasing muna bago pinatay

$
0
0

PINALAKLAK muna ng alak ng isang security guard ang dalawang kasapi ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB) na kanyang kainuman bago pinasabog ang kanilang bungo sa Negros Occidental province kaninang madaling-araw, Marso 11.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala ang mga biktimang sina Lenmar Pat, 34 at Jomar Torichilia, 33, kapwa ng Hacienda Angelita, Barangay Sag-ang, La Castellana.

Tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Carlo Apostol, guwardya sa nasabing hacienda.

Sa ulat, nangyari ang insidente alas-2:30 kaninang madaling-araw sa loob mismo ng hacienda na binabantayan ng suspek.

Bago ito, inalok ng suspek ang dalawang biktima na mag-inuman dahil karaawan nito ngunit nang malasing at makatulog ay ikinasa ni Apostol ang pagpatay sa dalawa.

Tinangay ng suspek ang mga dalang baril ng dalawang biktima.

The post 2 RPA-ABB members nilasing muna bago pinatay appeared first on Remate.

Kelot natagpuang tadtad ng bala sa Taguig

$
0
0

MASUSING iniimbestigahan ng mga tauhan ng Taguig City police ang motibo sa pamamaslang sa isang lalaki na natagpuang wala nang buhay at tadtad ng tama ng mga bala bago itinapon sa isang madilim na bahagi ng C-5 Extension kagabi sa Taguig City.

Patay na nang madiskubre ang biktima na kinilala lamang sa pamamagitan ng natagpuang postal ID sa bulsa ng kanyang pantalon na may pangalang Nicolas Deen Jr. sanhi ng mga tama ng bala sa kanyang ulo at katawan.

Sa imbestigasyon, alas-10:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa Rambutan St., C-5 Extension FTI, Barangay Western Bicutan kung saan nakarinig ng sunod-sunod na putok ang ilang mga residente sa naturang lugar bago nadiskubre ang bangkay.

Sa pahayag naman ng testigong si Marieta Banalo, 48, kaagad siyang lumabas ng bahay nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril at namataan pa ang isang sasakyan na matuling tumalilis paalis sa lugar.

Hinala naman ng pulisya na patay na ang biktima nang itapon sa naturang lugar dahil halos walang umagos na dugo sa katawan at ulo nito sa kabila ng mga tinamong tama ng bala. Posible umanong inililigaw ng mga salarin ang imbestigasyon at pinaniniwala na sa naturang lugar naganap ang pagpatay.

Narekober naman ng pulisya sa tabi ng bangkay ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 baril na hinihinalang ginamit ng mga salarin sa pamamaslang.

The post Kelot natagpuang tadtad ng bala sa Taguig appeared first on Remate.

Lolo utas sa inawat na lasing

$
0
0

PATAY ang 64-anyos na lolo na nagtangkang umawat sa lasing na kapitbahay na nanghalihaw ng saksak matapos na siya ang mapagbalingan ng suspek kagabi sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Cesar Velasco, ng 83 Apelo Cruz St., sanhi ng isang malalim na saksak sa tiyan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ricky Logro, 31, na agad tumakas makaraan ang pananaksak.

Sa imbestigasyon, alas-9:30 kagabi nang maganap ang insidente sa Apelo Cruz St., matapos tangkaing awatin ng biktima ang panghahalihaw ng saksak ng suspek.

Bago nangyari ang insidente, nagdaraan sa naturang lugar sina Destiny Del Rosario, 21, isang entertainer sa isang club sa Pasay at ang tomboy na kaibigan na si Arita Velasco, 18, patungo sana sa isang birthday party.

Lasing ang suspek nang tawagin si Del Rosario na mistulang binabastos kaya’t binalikan siya ng dalawa upang komprontahin. Kumuha ng patalim si Logro at hinabol ng saksak ang dalawa kaya’t inawat siya ni Velasco na nakasaksi sa pangyayari.

Sa halip na paawat, pinagbalingan ng suspek si Velasco at inundayan ng saksak sa tiyan.

The post Lolo utas sa inawat na lasing appeared first on Remate.

2 timbog sa iligal na coco lumber

$
0
0

NASAKOTE ng awtoridad ang dalawa katao dahil sa iligal na pagbiyahe ng coco lumber sa Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Jessie Dacian, chainsaw operator at ang driver na si Nestor Paligutan.

Ayon kay PO2 Cherry Del Rosario, isang concerned citizen ang tumawag sa kanila at nagpaabot ng impormasyon tungkol sa elf truck na may kargang iligal na pinutol na kahoy.

Dito na nagsagawa ng follow-up operation ang PNP kaya nasabat ang umaabot sa 1,500 board feet ng mga coco lumber.

Nadakip ang driver ng elf truck na si Paligutan at si Dacian na walang naiprisentang permit mula sa Philippine Coconut Authority.

Dahil dito, sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 10593 ang dalawa.

The post 2 timbog sa iligal na coco lumber appeared first on Remate.

VisMin maaapektuhan ng LPA– PAGASA

$
0
0

MAKARARANAS ng pag-ulan at lalo pang lumawak ang apektado ng low pressure area (LPA) sa Silangan ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng PAGASA, aabutin na rin ng mga pag-ulan ang Visayas at Mindanao, kasunod ng paglapit nito sa kalupaan.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 230 kilometro sa kanluran timog kanluran ng General Santos City.

Dahil dito, asahan ang makulimlim hanggang sa may pagbuhos ng ulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao, kasama na ang Zamboanga Peninsula.

Samantala, ang Luzon region naman ay maulap din pero ito ay bunga ng patuloy na pag-iral ng hanging amihan.

The post VisMin maaapektuhan ng LPA– PAGASA appeared first on Remate.

UPDATE: Pumatay sa fashion designer sa Makati tukoy na

$
0
0

TUKOY na ang brutal na pumatay sa isang sikat na fashion designer sa Makati City.

Pagnanakaw ang isa sa tinitingnang motibo ng Makati City police sa brutal na pagpatay kay Kenneth Chua na natagpuan ang bangkay dakong 11:45 ng umaga kahapon.

Ayon kay Makati Police Chief, Chief Superintendent Manuel Lucban, natagpuan si Chua ng kanyang mga magulang na duguan, nakatali ang kamay, may laslas sa leeg at may apat na saksak sa apartment nito sa Barangay Palanan, Makati

Dahil sa malaking tao si Chua, hinala ng mga pulis na nanlaban at hindi iisang tao ang may kagagawan sa pagpatay sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawawala ang wallet ng fashion designer, pati ang kanyang automated teller machine (ATM) cards, cellphones at mga pera.

Isa si Chua sa mga batang designer na gumagawa ng damit ng mga sikat at kilalang artista sa bansa.

Sinasabing kabilang sa mga artista na kliyente ni Chua ay sina Sarah Geronimo, Shaina Magdayao, Iya Villania, Christine Reyes, Maja Salvador, Kim Chui, Shamcey Supsup, Venus Raj, Mutya at marami pang iba.

The post UPDATE: Pumatay sa fashion designer sa Makati tukoy na appeared first on Remate.


7 patay sa sunog sa Malabon

$
0
0

KAGIMBAL-GIMBAL ang inabot ng pitong katao na kinabibilangan ng mag-lolo matapos makulong sa nasusunog na bahay habang nasa kasarapan ng pagtulog kaninang madaling-araw sa Brgy. Tinajeros, Malabon City.

Kinilala ang mag-lolo na sina Tomas Cruz, 72; anak na si Maylene Cruz-Mateo, 38; ang dalawang apo na sina Lelei Mateo, 10 at Raylei Mateo, pawang ng Espiritu St., naturang barangay.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlo pang nasawi na halos hindi na rin makilala sanhi ng grabeng pagkatusta.

Base sa imbestigasyon, alas-2:20 kaninang madaling-araw nang magsimula ang sunog sa hindi matukoy na bahay sa kahabaan ng Espiritu St., Brgy. Tinajeros.

Nabatid na isang tawag mula sa telepono ang natanggap ng pulisya hinggil sa nagaganap na sunog sa naturang lugar na agad namang nirespondehan ng mga tauhan ng pamatay sunog.

Dahil sa kasikipan ng lugar ay nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy kaya’t umabot ito sa 4th alarm at idineklarang under control bandang 5:27 ng madaling-araw.

Sa salaysay pa ng mga residente, bigla na lamang kumalat ang apoy at hindi pa alam ng mga ito kung kaninong bahay nagsimula na hinalang nagmula sa mga tangke ng Liquified Petroleum Gas (LPG).

Pinaniniwalaang nasa kasarapan ng tulog ang pitong nasawi kaya hindi na nakalabas ang mga ito ng kanilang bahay nang magsimula ang apoy.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung ano ang pinagsimulan ng apoy na tumupok sa 100 kabahayan at nakapinsala sa 1,000 residente.

The post 7 patay sa sunog sa Malabon appeared first on Remate.

Sanggol nalitson sa Zambo fire

$
0
0

NALITSON nang buhay ang isang sanggol nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Zamboanga province nitong Martes ng gabi, Marso 11.

Halos hindi na makilala sanhi ng pagkasunog ng buong katawan ang biktimang si Sheena Kasim Marquez, 3 months old baby.

Sa ulat, naganap ang sunog alas-7 nitong Martes ng gabi sa bahay ng biktima sa Barangay Guiwan, Zamboanga.

Bago ito, sa hindi pa malamang dahilan ay naiwan ang naturang sanggol sa kanilang bahay na may nakasinding kandila sa altar.

Ayon sa arson investigators, malamang na nabuwal ang kandila at inabot ng apoy ang kurtina sa kuwarto ng biktima.

Nadamay din sa sunog ang katabing sawmill.

The post Sanggol nalitson sa Zambo fire appeared first on Remate.

80 kilo ng poison fish nakumpiska ng PCG

$
0
0

NAKUMPISKA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 80 kilo ng poison fish o mas kilala sa tawag na “lagtang” sa Cuyo, Palawan.

Ayon sa PCG, ang nakalalasong isda ay nakumpiska ng Cuyo CGS at Coast Guard K9 team sa  bagahe ni Gemma Gabona, 45, sa daungan ng Cuyo, Palawan noong Marso 8.

Ipinaalam ni Pacifico Sabroso, security inspector ng passenger’s terminal building ng Tubbataha Management Office sa CG at agad na nagsagawa ng arrival inspection sa MV Ma Isabel na may apat na bagahe ang pinaghihinalaang naglalaman ng nakalalasong isda.

Pinabuksan kay  Steve Salazar, General Manager ng Port Global Handling Services, Inc. ang bagahe ni Gabona kung saan nakita ang mga nakalalasong isda.

Nagkakahalaga ng P60,000 ang nakalalasong “lagtang” na nakatakdang dalhin sa Puerto Princesa City.

Dinala naman ang kinumpiskang isda sa local police ng Cuyo para sa kaukulang disposisyon.

The post 80 kilo ng poison fish nakumpiska ng PCG appeared first on Remate.

Binatang may sayad nagbigti, patay

$
0
0

SA ikalawang pagtatangka, natuluyan ang isang binata na may diperensya sa pag-iisip matapos magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Caloocan City, Martes ng umaga, Marso 11.

Hindi na umabot nang buhay sa Chinese General Hospital si Alberto Malacad, 27, ng Tagaytay St., Barrio San Jose.

Sa ulat, alas-10:10 ng umaga nang makita ang biktima ng kanyang ama na nakabigti ng nylon straw sa loob ng kuwarto ng binata.

Agad na dinala sa CGH ang biktima kung saan nabatid na minsan nang nagtangkang magpakamatay ang una subalit naagapan.

Lumalabas pa na mental patient ang biktima kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa pagbibigti ng binata.

The post Binatang may sayad nagbigti, patay appeared first on Remate.

Lolo tumirik sa ibabaw ng bebot

$
0
0

PATAY ang isang lolo matapos tumirik sa ibabaw ng guest relation officer o GRO habang nakikipagtalik sa loob ng isang apartelle sa Caloocan City kaninang umaga, Marso 12.

Dead on the spot si Cesar Cueto, 60, ng Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Sa ulat, kasamang pumasok ng biktima ang GRO na hindi pa nakuha ang pangalan sa Froilan Apartelle sa MH. Del Pilar St., 2nd Avenue, alas-11 ng umaga at habang nakikipagtalik ay nanikip ang dibdib ni lolo.

Humingi ng tulong ang bebot sa mga tauhan ng nasabing apartelle subalit nang balikan ay todas na si lolo na naging dahilan upang imbitahan sa presinto ang bebot at imbestigahan kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa pagtirik ni lolo.

The post Lolo tumirik sa ibabaw ng bebot appeared first on Remate.

Magkasosyo sa resto, binistay ng bala

$
0
0

BINISTAY ng bala ang magkasosyo sa pagpapatakbo ng restaurant sa Bulacan province nitong Martes ng alas-8 ng gabi.

Kapwa isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ang mga biktimang sina Ana Maria Trinidad at Charlie Aquino, may-ari ng Dambu’s cafe and restaurant na nasa Barangay Saluysoy, Meycauayan, Bulacan.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek pero may palagay na ito ay isang hired killer dahil ayon na rin sa estilo nang pagpatay nito .

Ayon sa isang tauhan ng nasabing restaurant, kabubukas lang nila nang  biglang pumasok ang isang lalaki na inakalang customer na nakasuot ng helmet.

Pero imbes umorder, nilapitan nito si Trinidad at saka binaril .9-mm pistol.

Nagawa namang dambahin ni Aquino ang suspek hanggang sa magpambuno pero nabuwal ito kaya nabaril ng suspect.

Tumakas naman ang suspect at sumakay sa isang motorsiklong binantayan ng kanyang kasabwat.

Hawak na ng lokal na pamahalaan ang CCTV ngunit tumangging isapubliko muna ito habang inilalatag pa ang kanilang imbestigasyon.

The post Magkasosyo sa resto, binistay ng bala appeared first on Remate.

2 patay sa pamamaril sa Sibugay

$
0
0

PATAY ang dalawa katao, habang sugatan naman ang 6-anyos na bata sa magkahiwalay na pamamaril sa Zamboanga, Sibugay.

Patay ang isang lalaki habang nakaligtas naman ang kanyang misis matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa Barangay Bella sa bayan ng Alicia.

Sa imbestigasyon, nakasakay sa motorsiklo si Nicolas Castillon Dologuin, 54, kasama ang misis nang mangyari ang pamamaril.

Patay naman ang isa pang biktima na si Michael Abundo Enriquez, 45, habang sugatan sa ligaw na bala ang anim na taong gulang na pamangkin nito matapos barilin ng hindi nakilalang suspek.

Sa report, nagre-repair ng kanyang truck ang biktima sa kanyang machine shop nang barilin ng dalawang hindi nakilalalng suspek na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Nasugatan sa paa ang batang biktima na ngayon ay ginagamot pa rin sa ospital.

Inaalam na ang motibo sa nasabing mga insidente.

The post 2 patay sa pamamaril sa Sibugay appeared first on Remate.


Taiwanese, 2 buntis timbog sa drug-bust sa Boracay

$
0
0

NADAKIP ng mga awtoridad ang anim na drug pushers  sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operations sa Isla ng Boracay.

Unang naaresto ng awtoridad ang dalawang buntis na tinatayang P250,000 halaga ng shabu ang nakuha sa kanila sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Task Group (PAIDSTOG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Aklan Police Provincial Office (APPO) at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Kinilala ang mga suspek na sina Mariel Joyce Lising, 22, at Rhea Faye Tomas, 23, kapwa ng Metro Manila at kapwa mga buntis ng isang buwan at ang isa ay anim na buwan.

Nakuha sa kanila ang dalawang plastic sachet ng shabu nang bentahan ang poseur buyer at dagdag na apat na malalaking plastic sachets sa isinagawang body search.

Ayon sa pulisya, matagal nang under surveillance ang mga suspek dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isla.

Napag-alaman na sa isang hotel room isinagawa ang transaction sa mga babae na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Samantala, matapos ang isang oras, dagdag na apat na suspek ang naaresto ng mga kapulisan na kinabibilangan ng isang Taiwanese national, isang bakla at dalawang babae.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga dahil nagpapatuloy pa ang imbentaryo ng mga kapulisan.

The post Taiwanese, 2 buntis timbog sa drug-bust sa Boracay appeared first on Remate.

Publiko pinag-iingat sa paggamit ng LPG

$
0
0

PINAG-IINGAT ng Department of Energy (DoE) ang publiko sa paggamit ng cooking gas kaugnay sa paggunita ng Fire prevention month ngayong Marso.

Batay sa pumunuan ng DoE, laging siguruhin na naka-lock ang gas cylinder ng tangke para hindi sumingaw ang Liquefied Petroleum Gas (LPG)

Kailangan ding suriin ang host na nakakonekta sa tangke upang matiyak na wala itong butas bunga ng pagngatngat ng insekto tulad ng daga.

Ang pag-iingat ay inilabas ng DoE dahil sa naganap na pagsabog ng LPG na malubhang ikinasugat ng dalawang babae sa Barangay 156 Riverside St., Traml, Pasay City Huwebes ng madaling-araw.

Sugatan ang dalawang babae matapos sumabog ang LPG tank sa kanilang bahay sa Barangay 156 Riverside Street Tramo sa Pasay, Huwebes.

Nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga biktima na kinilalang sina Mirasol Vicente at ang tauhan nitong si Excel Sordilla na  kapwa nalapnos sa buong katawan.

Batay sa pagsisiyat, alas-12:30 ng madaling-araw nang umuwi ang dalawa galing sa pagtitinda ng barbeque at pagdating sa bahay nang nadiskubreng nakatanggal ang host ng tangke ng LPG.

Sinubukan pang ayusin ito ng biktima at nawala naman ang amoy.

Nang makaramdam ng gutom si Mirasol, sinindihan nito ang kalan para mag-init ng pagkain at nang sindihan ang kalan ay biglang sumabog ang LPG tank na ikinasugat ng dalawang biktima.

Ang mga biktima ay agad na dinala sa pagamutan.

The post Publiko pinag-iingat sa paggamit ng LPG appeared first on Remate.

Mastermind sa fashion designer robbery/slay tiklo

$
0
0

BAGAMA’T pinasinungalingan ng nahuling suspek na si Rogelio Aquiat na siya ang pumatay sa kanyang dating amo na fashion designer na si Kenneth Chua, siya pa rin ang itinuturong mastermind dahil siya lang ang may susi sa shop ng biktima sa Makati City.

Ayon sa pulisya, posibleng nagtanim ng sama ng loob si Aquiat sa biktima nang sibakin ni Chua may ilang linggo na ang nakararaan.

Kaya bilang paghihiganti at kawalan na rin ng trabaho ay plinano ni Aquiat ang panloloob sa opisina ni Chua at nakipagsabwatan pa sa isa hanggang sa dalawang hindi nakikilalang kalalakihan para matiyak na maging malinis o walang aberya ang kanilang lakad.

Pero sa kasamaang palad, maaaring natuklasan agad ni Chua ang pagpasok ng tropa ni Aquiat kaya maaaring nagkaroon agad ng komosyon sa loob ng shop nito sa Barangay Palanan, Makati City nitong nakaraang Martes ng umaga.

Dahil mas marami, posibleng nagapi ng mga suspek si Chua na mas malaki ang katawan at mas malaki sa kanila at nang mapagtulungan ay itinali ang mga kamay nito para hindi makapanlaban.

Teorya rin ng pulisya na maaaring pinipiga ng mga suspek si Chua na sabihin ang kanyang password code number para mai-withdraw ang laman nitong pera ng kanyang ATM card pero tumanggi ito.

Posible rin na nakakawala si Chua sa pagkakatali at nagkaroon muli ng komosyon  kaya sa pagkakatong ito ay pinagsasaksak at pinalo na ito ng plantsa sa ulo ng isa sa mga suspek.

Natagpuan ang nasabing plantsa na halos nasira ang hawakan sa crime scene na may bahid ng dugo.

Nadiskubre naman ang krimen nang mag-alala ang pamilya ni Chua sa hindi nito pagsagot sa tawag sa kanyang cellphone.

Nawawala ang mga mahahalagang kagamitan ni Chua tulad ng cellphone, wallet at ng ATM card nito.

Nakilala naman si Aquiat nitong Miyerkules ng umaga sa pamamagitan ng CCTV footage nang maaktuhang nagwi-withdraw na gamit ang ATM card ni Chua sa isang bangko sa Camarin, Caloocan City.

Itinanggi nito na siya ang pumatay kay Chua at inginuso ang isa sa kanyang mga kasabwat pero hindi naman pinangalanan.

Hinahanap na ng pulisya ang mga kasabwat ni Aquiat para panagutin din sa pagpatay kay Chua na ang labi ay nasa La Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque City.

The post Mastermind sa fashion designer robbery/slay tiklo appeared first on Remate.

Relasyon ng PH sa kaalyadong bansa paigtingin pa

$
0
0

HINIMOK ni Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon na lalo pang paigtingin ang relasyon ng bansa sa kaalyadong bansa.

Maliban sa pag-file ng protesta sa international tribunal laban sa China, dapat na palakasin ng Pilipinas ang relasyon sa ibang mga bansa upang makakuha ng suporta.

Ito ang sinabi ni dating military man at ngayon ay Muntinlupa City Rep. Rodolfo Biazon kaugnay sa panibagong pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa dalawang barko ng Pilipinas na maghahatid ng suplay sa mga nakatalagang Philippine Navy personnel sa Ayungin shoal.

Inilarga rin ni Biazon ang kampanya upang magising ang buong mundo sa hindi magandang ginagawa ng China sa pag-angkin ng mga isla sa West Philippine Sea.

Napag-alaman na maliban sa Pilipinas, may isla rin sa naturang lugar na sakop ng Japan, Taiwan, Malaysia at iba pa na inaangkin din ng China.

Samantala, inaabangan ni Biazon ang magiging hakbang ng international community sa political crisis sa Ukraine dahil ito ay magsisilbing gabay para sa paglutas sa problema sa West Philippines Sea.

Ayon sa mambabatas katulad ng China na pagpasok at pag-angkin sa ilang isla sa West Philippine Sea hindi justifiable ang ginawa ng Russia na envasion sa Crimea region dahil sakop ito ng Ukraine na isang independent na bansa.

The post Relasyon ng PH sa kaalyadong bansa paigtingin pa appeared first on Remate.

Pinahiya ng guro, estudyante nagbigti

$
0
0

DAGUPAN CITY – Dahil sa pagkapahiya sa klase, isang 19-anyos na estudyante ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti.

Kinilala ang biktima na si Quenard dela Torre, may kursong Bachelor of Science in Marine Transportation ng Pangasinan Merchant Marine Academy sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng Dagupan police, nasa school si Dela Torre at dumalo ng isang klase nang ipahiya ng kanyang professor matapos hindi makasagot sa tanong nito.

Dahilan para umiiyak na umuwi ng bahay ang biktima.

Ayon sa nanay ng biktima na si Cecilia dela Torre, nagulantang siya nang buksan niya ang kwarto ng biktima at nakabitin na gamit ang nylon cord ang kanyang anak.

The post Pinahiya ng guro, estudyante nagbigti appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>