Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

UPDATE: 2 patay sa banggaan sa Quezon

$
0
0

TIAONG, QUEZON – Dalawang pasahero kabilang ang 3-anyos na babae ang namatay habang 13 ang sugatan matapos magbanggaan ang isang 10 wheeler-truck at Manila-bound bus sa kahabaan ng Bypass Road, Barangay Lalig, kaninang madaling-araw.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Precious Denise Siruma, 3, ng Maysan, Valenzuela City at Niel Tabuzo, 25, ng Camarines Sur habang agad namang  isinugod sa pagamutan ang mga sugatan na sina  Ernanie  Escurido, 53, Robinson Iliw-Iliw, 63,  Julita Pacheco, 65, Ernesto Siruma, 68, Antonio  Sarmiento, 38, Eargel  Siruma, 9, Gil Ejandra, 26, Cristine Irish Agustino, 7, Arlene Agustino, 46, Jeffrey Lorenzo, 17, Evelyn Lorenzo, 41, Analou Siruma, 21, at Whisley Matthew Robosa, 7.

Sa imbestigasyon, binabaybay ng Raymond Transport bus (EVR-704) at Body No. 9138 na minamaneho ni Elizalde Coroz Ebias ang nasabing lugar patungong Manila mula sa Bicol region nang  mabangga ang paparating na south-bound Isuzu Wing Van truck (RNJ-695) na minamaneho ni Jesus  Granada na kargado ng dried goods dakong alas–12:30 ng madaling-araw.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matitinding sugat ang dalawa na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Makaraan ang aksidente ay tumakas si Granada.

The post UPDATE: 2 patay sa banggaan sa Quezon appeared first on Remate.


Estudyante dumayb sa gusali, tigbak

$
0
0

BASAG ang ulo ng isang babaeng estudyante nang tumalon mula sa gusali sa Cebu City kaninang umaga, Mayo 14.

Dead-on-the spot sanhi ng kapansanan sa ulo ang biktima na si Kim Varga, 21, at BS Biology student ng isang sikat na eskuwelahan sa lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-6 ng umaga sa isang gusali sa Barangay Sambag, Cebu City.

Bago ito, nakitulog kagabi ang biktima sa kanyang kaibigan na umuupa sa nasabing gusali na lingid dito ay may masama palang binabalak.

Pagkagising, nagtungo sa may balkon ang biktima at saka tumalon mula sa ika-apat na palapag.

Sa pagsisiyasat pa ni PO1 Cyrele Bayate ng Cebu City Police Office, problema sa klase at usapin sa pera ang dahilan ng pagpatiwakal ng biktima.

Nabatid din na pangalawang beses nang tumalon sa gusali ang biktima pero sa unang pagkakataon ay sumampay ito sa linya ng telepono kaya nabuhay.

The post Estudyante dumayb sa gusali, tigbak appeared first on Remate.

P27.6M marijuana sinira sa Ilocos Sur

$
0
0

AABOT sa P27.6 milyon halaga ng marijuana ang sinira ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police  (PNP) sa Ilocos Sur nitong nakalipas na Mayo 9, 2014, Biyernes.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. sinalakay ng mga ahente ng PDEA Regional Office 1 sa ilalim ni Director Adrian Alvarino, PNP Cervantes Police station, Ilocos Sur Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (PAIDSOTG) at Ilocos Sur Provincial Public Safety Company (ISPPSC), ang mga puno ng marijuana plants sa Dinwende West, Cervantes, Ilocos Sur na may kabuuang 8,000 square meters na land area.

“The marijuana eradication operation is under case operation plan code name: “Green Gold 2”. Although no cultivator was arrested during the operation, the operating teams were able to seize 138,000 pieces of fully-grown marijuana plants worth P27,600,000 based on the value set by the Dangerous Drugs Board (DDB),” ani ni Cacdac.

Kaugnay nito, binigyan naman ng pagkilala ni Cacdac ang operatiba ng PDEA at PNP sa matagumpay na operasyon na isinagawa sa eradication ng puno ng marijuana sa naturang rehiyon.

The post P27.6M marijuana sinira sa Ilocos Sur appeared first on Remate.

Fairview shooting spree suspect, kinasuhan na

$
0
0

shooting-spree

KINASUHAN na kaninang hapon, Mayo 14 ng Quezon City Police District (QCPD) ang lima sa anim na  naaresto sa Fairmont Subdivision kaugnay sa Fairview shooting spree incident na ikinamatay ng lima katao.

Subalit ang isa sa anim na naaresto ay isang  menor-de-edad kaya nakatakdang i-turnover sa DSWD.

Sinabi ni QCPD spokesperson Capt. Maricar Taqueban, ang ikinaso sa mga suspek ay illegal possession of firearms, paglabag sa Republic Act 9165, illegal possession of explosives at direct assault to an officer.

Kasong murder, paglabag sa Republic Act 9516 at direct assault ang isasampa laban kay Alsaid Mindalano, na siyang nagmamaneho ng motorsiklo na ginamit sa walang habas na pamamaril.

Sa kabilang dako, walang tigil ang manhunt operation laban sa isa pang suspek na gunman na kasalukuyang at large.

The post Fairview shooting spree suspect, kinasuhan na appeared first on Remate.

Abogado ng konsehal patay sa pamamaril

$
0
0

PATAY ang tumatayong abogado ni City Councilor Myla Ping makaraang barilin sa lansangan na nasasakupan ng San Gabriel, Tuguegarao City, alas-8:28 kagabi.

Kinilala ang biktima na si Atty. Isagani Garcia, 35, tubong Tumauini, Isabela at pansamantalang naninirahan sa Alimanao, Penablanca, Cagayan at professor ng Cabagan State University.

Si Atty. Garcia ay tumatayong abogado ni Ping sa kasong graft na isinampa sa Ombudsman laban kay Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano.

Agad naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima para sa kaukulang medikasyon subalit idineklarang dead-on-arrival.

Tinambangan ang biktima ng hindi pa matukoy na riding-in-tandem.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

The post Abogado ng konsehal patay sa pamamaril appeared first on Remate.

65-anyos lola utas sa saksak ng 21-anyos na ka-live-in

$
0
0

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ng 21-anyos na lalaki ang kanyang live-in partner na lola sa Pamplona, Cagayan.

Ang biktima ay kinilalang si Anita Carlos, 65, habang ang suspek ay si Francin Ayuban, 21, kapwa ng Bgy. Bagu, nasabing bayan.

Ayon sa mga awtoridad, umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay at narinig ng kanilang kapitbahay na nag-away ang dalawa.

Kinaumagahan ay natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa labas ng kanilang tahanan.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nasaksak ang kaliwang tagiliran ng biktima na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang nakikitang motibo ay tungkol sa usapang pera.

Hinahanap na ang tumakas na suspek.

The post 65-anyos lola utas sa saksak ng 21-anyos na ka-live-in appeared first on Remate.

13-anyos anak sex slave ng sariling ama

$
0
0

HINDI na nakayanan ng isang dalagita ang pang-aabuso sa kanya ng sariling ama sa Sariaya, Quezon.

Ito ang dahilan kaya nagsumbong na ang 13-anyos na biktima sa kanyang lola na agad namang dumulog sa pulisya.

Kuwento ng dalagita, mahigit isang taon siyang sex slave ng kanyang 33-anyos na ama.

Nagsimula siyang gahasain noong Enero 21, 2013 nang maiwang mag-isa sa kanilang bahay.

Mula noon ay araw-araw na umano siyang ginagamit ng kanyang ama at nakaliligtas lamang siya sa sapilitang pakikipagtalik sa suspek kung dinaratnan siya ng kanyang buwanang dalaw.

Tinakot din umano ng salarin ang biktima na papatayin ang kanyang ina at mga kapatid sa oras na magsumbong.

Huli umano siyang hinalay ng sariling ama noong May 5, 2014 pasado alas-12:00 ng tanghali sa loob ng kanilang tahanan.

Subalit kahit labis ang kanyang takot sa ama ay napilitan na rin siyang magsumbong sa kanyang lola dahil hindi niya na makayanan pa ang ginagawa ng suspek.

Kasong multiple rape ang kahaharapin ng salarin.

The post 13-anyos anak sex slave ng sariling ama appeared first on Remate.

Truck driver na sumuwag ng bus sumuko na

$
0
0

KUSANG-LOOB na sumuko sa Calamba Police ang drayber ng trak na nakabanggaan ng pampasaherong bus sa Tiaong, Quezon na ikinamatay ng dalawa at nakasugat sa 13 iba pa.

Kinilala ang sumukong suspek na si Jesus Granada ng Barangay Buluatos, San Miguel, Bulacan.

Sa imbestigasyon, Northbound ang daan ng Isuzu wing van na minamaneho ng suspek nang pagsapit sa Diversion Road sa Barangay Lalig sa Tiaong, Quezon ay nasagi nito ang Raymond Bus na minamaneho naman ni Elizalde Ebias.

Dalawa sa mga pasahero ng bus ang namatay na kinilalang sina Precious Denise Siruma, tatlong taong gulang ng Valenzuela City at Neil Tabuzo, 25, ng Camarines Sur.

May 13 pa ang isinugod sa mga pagamutan.

Inihahanda na ang isasampang kaso sa drayber ng trak.

The post Truck driver na sumuwag ng bus sumuko na appeared first on Remate.


3-anyos nene sinaksak sa Pangasinan

$
0
0

IKINASA na ng pumunuan ng Philippine National Police (PNP) ang manhunt operation laban sa isang lalaki na sumaksak sa 3-anyos na bata sa Rosales, Pangasinan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Isagani Raquipizo, 54, ng nabanggit na bayan.

Sa impormasyon, bigla na lamang sinaksak ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad namang narespondehan ng mga barangay officials sa lugar.

Nilalapatan pa ng lunas sa pagamutan ang ‘di pinangalanang biktima.

Ngunit habang hawak ng mga opisyal ng barangay ang suspek ay bigla itong nakatakas na pinaniniwalaang nagtago sa kanyang mga kaanak sa ibang lugar.

Inaalam na ang motibo sa pananaksak.

The post 3-anyos nene sinaksak sa Pangasinan appeared first on Remate.

Lasenggong anak, tinaga ni tatay

$
0
0

DAHIL sa matinding konsumisyon, pinagtataga na lamang ng sariling ama ang kanyang lasenggong anak sa South Cotobato.

Kinilala ang biktima na si Fred Berano Loquias, Jr., 23, binata, ng Sitio Solomon, Barangay Rizal Poblacion, Banga, South Cotabato, habang ang ama naman ay kinilalang si Fred Loquias, Sr.

Batay sa impormasyon, dumating si Fred Jr. sa kanilang bahay na lasing na kinompronta ng kanyang ama at pinagsabihang itigil na ang pag-iinom ng alak.

Dahil sa matinding iringan ng dalawa, tinaga ni Loquias Sr. ang kanyang anak na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan.

The post Lasenggong anak, tinaga ni tatay appeared first on Remate.

2 holdaper nakorner ng parak, tigbak

$
0
0

KAPWA patay sa tama ng bala ng baril ang dalawang kilabot na holdaper nang kumasa sa pulisya kaninang madaling-araw, Mayo 15 sa Quezon City.

Dead-on-the spot ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek na inilarawang 30-35-anyos, medium built at kapwa nakasuot ng t-shirt at maong pants.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:35 ng madaling-araw sa kanto ng Manga Road at Aurora Blvd.

Ayon sa imbestigasyon ng QCPD operatives, bago ang engkuwentro ay hinoldap ng dalawang suspek sa nabanggit na lugar ang isang pampasaherong jeep.

Pero habang nililimas ang mga mahahalagang kagamitan ng mga biktima, naispatan ng isang patrol team ang komosyon na nagaganap sa loob ng naturang dyip.

Pero palapit pa lamang ang kanilang sinasakyang police mobile patrol nang pagbabarilin sila ng mga suspek.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at agad napatimbuwang ang mga holdaper.

Wala namang nasaktan sa mga pasahero.

The post 2 holdaper nakorner ng parak, tigbak appeared first on Remate.

Bangkay ng kelot, natagpuan sa kahon

$
0
0

NATAGPUAN ang bangkay ng isang coordinator na isinilid sa kahon sa loob ng banyo ng pinagtatrabahuhang kainan sa Valenzuela City, Miyerkules ng umaga, Mayo 14.

Nakilala ang biktima na si Leonardo Baris, 32, ng Orede St., Gen. T. De Leon ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Remcy Flores, 26, food handler ng Mang Bok’s Food, Inc., sa MacArthur Highway, Malanday ng lungsod at residente ng Bundukan, Bulacan.

Sa ulat, alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa sako na ipinasok sa kahon sa loob ng banyo ng nasabing kainan.

Lumalabas na may sugat sa ulo ang biktima na pinalo ng matigas na bagay at iginapos ang mga kamay.

Nabatid na nawawala rin ang pera ng biktima na kita ng kainan maging ang Grand Star na motorsiklo.

Ayon sa supervisor na si Mario Brillantes, alas-4:50 ng hapon noong Mayo 13 ay hinahanap na niya ang biktima dahil hindi ibinigay ang pinagbentahan ng dalawang araw.

Nasabi rin ng isa sa mga kasamahan ng biktima na alas-10 ng gabi noong Mayo 12 ay nakita nito na pinagmamasdan ng suspek ang mga galaw ng biktima at nagtataka rin dahil dapat ay wala na ang huli sa kainan dahil off na nito.

Isa pang kasamahan ng biktima ang nagsabi na bago matagpuan ang bangkay ng biktima ay nakikita niya ang suspek na laging nakaupo sa container malapit sa banyo hanggang sa mawala matapos madiskubre ang bangkay.

The post Bangkay ng kelot, natagpuan sa kahon appeared first on Remate.

Ferry sa Bangladesh, lumubog; 12 patay

$
0
0

UMAABOT sa 12 bangkay na ang narerekober ng mga awtoridad mula sa lumubog na barko sa central Bangladesh kagabi.

Nabatid na naipit sa gitna ng malakas na alon ang barko bago tuluyang lumubog.

“12 bodies have been recovered from the sunken ferry,” wika ni Ferdous Hossain, officer-in-charge ng Gajaria Police Station.

Aniya, nagpapatuloy pa ang search operation para sa iba pang pasaherong nawawala.

Napag-alaman na nasa 250 hanggang 300 ang lulan ng lumubog na ferry, ang madalas na transportasyon sa nasabing bansa.

The post Ferry sa Bangladesh, lumubog; 12 patay appeared first on Remate.

Away sa lamay sa Albay, 1 patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaki nang bumisita para makiramay sa namatay na kaibigan sa Guinobatan, Albay.

Hindi na nagawang maisugod sa pagamutan ang biktimang si Antonio Paligar, 34, nang saksakin ng suspek na si Jay-Ar Oraye Baloloy, 24, ng P7, Bgy. Lower Binogsacan nang mapikon sa panggugulo umano ng una sa lamay ng pamilya Co sa nasabing lugar.

Armado ng kutsilyo, sinugod ng suspek si Paligar sa bahay nito at tinakot na papatayin.

Nakatakas ang biktima patungo sa bahay ng kanilang barangay kapitan subalit wala ring nagawa ang opisyal.

Agad namang naaresto ang suspek na ngayon ay nananatili sa kustodiya ng Guinobatan Municipal Police Station.

The post Away sa lamay sa Albay, 1 patay appeared first on Remate.

Kelot niratrat nang nakagapos, 2-anyos anak nadamay

$
0
0

ALITAN sa pamilya at koneksyon sa trabaho ang tinitingnang motibo sa pagpatay sa isang lalaki at pagkasugat ng kanyang 2-anyos na anak sa Bgy. Sta. Ana sa bayan ng Tubay, Agusan del Norte.

Ayon kay PO1 Jumar Aqueres ng Tubay-Philippine National Police, kinilala ang biktima na si Nestor Nanwal, 33, dead-on-the spot dahil sa tadtad ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang ang anak niyang si Shante, 2, ay nagpapagaling na sa ospital dahil sa tama ng bala sa balikat.

Galing sa birthday party ang mga biktima kasama ang pamilya nang makasalubong ang mga hindi pa kilalang suspek na nakasuot ng bonnet.

Agad na iginapos ng mga suspek si Nestor bago pinaulanan ng bala.

The post Kelot niratrat nang nakagapos, 2-anyos anak nadamay appeared first on Remate.


Call center agent tigok sa telephone wire

$
0
0

DAHIL sa matinding depresyon kaya nagpatiwakal ang isang call center agent gamit ang telephone wire sa Sitio Mohon, Bgy. Sapangdako, Cebu.

Kinilala ang biktima na si Vennis Suarez, 33, ng Bgy. Sasa, Davao, at pansamantalang nangungupahan sa nabanggit na lugar.

Una rito, natagpuan na lang ni Robert Juntilla ang kapitbahay ng biktima na nangingitim at wala ng buhay na may nakataling telephone wire sa leeg nito.

Napag-alaman din ni SPO1 Ruth Violango sa Homicide Section mula sa mga saksi na nag-aaway si Vennis at ang kapatid nito noong nakaraang gabi.

Kinumpirma ni Judie Suarez, ang ina ng biktima, na naging dahilan ng pag-aaway ng magkapatid ang hindi pagkagusto ni Vennis sa nobyo ng kanyang kapatid, lalo na at nabuntis pa ito at hindi man lang binigyan ng suporta.

Kaya si Vennis ang umako umano sa lahat ng gastusin sa kanyang kapatid sa panganganak nito.

Kagabi ay hindi na lumabas sa kanyang kuwarto ang biktima at kinabukasan ay natagpuan na lang siyang wala ng buhay.

The post Call center agent tigok sa telephone wire appeared first on Remate.

Mister na naturete sa putak ni misis nagbigti

$
0
0

HIMALANG nabuhay ang 35-anyos na mister matapos magtangkang magbigti dahil hindi na makayanan ang mabungangang misis  sa Tondo, Maynila.

Kasalukuyan pa ring naka-confine sa Gat Andres Bonifacio Hospital si  William Monteverde ng 621 Rajah Matanda St., Tondo, Manila.

Sa report, alas-8 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng biktima.

Nauna rito, nagpunta ang biktima sa puwesto ng kanyang misis para humingi ng pambili ng sigarilyo pero bago binigyan ng pambili ay pinutakte muna ng katakot-takot na sermon at masasakit na salita.

Umuwi ang biktima sa kanilang bahay at sa sobrang sama ng loob at awa sa sarili ay kumuha ng electrical wire saka ipinulupot sa kanyang leeg.

Kaagad namang naisugod sa ospital ang biktima nang makitang nakasabit ni Manny Rodriguez na aksidenteng sumilip sa kanilang bahay at hinanap ang biktima.

The post Mister na naturete sa putak ni misis nagbigti appeared first on Remate.

4 na suspek sa pagpatay sa bisor nadakip na

$
0
0

LUMALABAS na nilason muna bago hinataw ng fire extinguisher sa ulo saka isnakot at inalagay pa sa kahon ang isang supervisor matapos madakip ang pangunahing suspek at mga kasama sa Valenzuela City, Huwebes ng hapon, Mayo 15.

Nakilala ang mga suspek na sina Remcey Flores, 26, food handler ng Mang Bok’s Lechon Manok at pawang ng Bundukan, Bulacan at mga kasabwat na sina Edward, 17, alyas Jay-Ar at isang alyas Pao-Pao.

Batay sa imbestigasyon, noong gabi ng Mayo 12, 2014 nakita ang suspek na si Pao-Pao sa tapat ng Mang Bok’s bago nawala ang biktimang si Leonardo Baris, 32, supervisor ng nasabing tindahan at residente ng Orede St., Gen. T. De Leon ng lungsod.

Inutusan ng mga pulis ang nadampot na si Pao-Pao na i-text at sabihin sa mga kasabwat na meron pa silang perang paghahatian at makipagkita sa Sta. Maria, Bulacan alas-5:30. Agad namang inaresto ang mga suspek ng magsilutangan sa napagkasuduang tagpuan.

Inamin ni Flores ang nagawang krimen kung saan nasabing nilagyan niya ng silver cleaning solution ang ibinigay na inumin sa biktima at nang mahilo ay saka hinataw ng fire extinguisher sa ulo.

Tumulong din ang mga kasabwat upang maisako at maisilid sa kahon ang biktima sa loob ng banyo ng Mang Bok’s saka iniwan at pinaghatian ang hawak na kita ng nasawi hanggang sa matagpuan alas-11 kahapon ng umaga.

Hindi na nagamit pa ni Flores ang hinasang palakol sa labis na galit sa biktima dahil lagi siyang nasisita sa trabaho.

Nabawi rin sa una ang motorsiklo ng biktima at nalamang ilan sa mga suspek ay mga bading.

The post 4 na suspek sa pagpatay sa bisor nadakip na appeared first on Remate.

Kelot kalaboso sa shabu sa pitaka

$
0
0

KALABOSO ang isang lalaki matapos makuhanan ng apat na sachet ng shabu na nakalagay sa coin purse sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi, Mayo 15.

Nakilala ang suspek na si Rolly Tongco, alyas Sugar, 36, ng Dulong Tangke, Malinta ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:20 ng gabi, nagsagawa ng operation ang mga pulis laban sa droga sa lugar ng suspek hanggang sa masita si Tongco at nang kapkapan ay nakuha ang apat na sachet ng shabu na nakalagay sa coin purse dahilan upang dalhin sa presinto.

The post Kelot kalaboso sa shabu sa pitaka appeared first on Remate.

Nakiramay sa patay binoga, utas

$
0
0

PINAGLALAMAYAN na rin isang ang lalaki nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang nakikipagsugal sa isang burol sa Quezon City kaninang madaling-araw, Mayo 16.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan ang biktimang si Edwin Molinas, 29, ng Barangay Batasan Hills, Q.C.

Blangko naman ang QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa kung sino ang salarin pero isa sa sinisilip na motibo sa pagpatay sa biktima ay personal grudge.

Sa ulat, naganap ang insidente bandang 1:35 ng madaling-araw sa isang lamayan sa nasabing barangay.

Ayon naman kay P03 Michael de Leon ng QC Police Station 6 na bago ito, nagpunta ang biktima sa burol ng isang residente para makiramay.

Maya-maya’y nakipaglaro ng cara y cruz kalaban ang ilan sa mga naglalamay at habang nasa kasarapan ng paglalaro ay biglang sumulpot ang suspek at walang kalaban-laban na pinagbabaril ang biktima saka tumakas.

Nakarekober ang pulisya ng anim na basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan.

The post Nakiramay sa patay binoga, utas appeared first on Remate.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


Latest Images

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>