Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

BCJ timbog sa MK2 grenade sa checkpoint

$
0
0

SA pagsisimula ng ipinaiiral na gun ban ng Commission on Eleections (COMEEC) sa buong Metro Manila, isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) ang nasakote ng mga tauhan ng Pasay City Police Community (PCP)-7 na nag-iingat ng MK2 fragmentation grenade kaninang madaling-araw.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 7166 (Omnibus Election Code o R.A. 9516 illegal possession of explosive) ang suspek na si Bernato Daria, alyas “Tangoy” 28, ng 704 Apelo Cruz, Malibay, nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng PCP-7 sa bahagi ng EDSA/M.Dela Cruz St., nang mamataan ang suspek na naglalakad sa naturang lugar alas-12:15 ng madaling-araw.

Nang matanawan ang mga pulis, agad itong tumalikod paharap sa pader na nagkunwaring umiihi na paglabag naman sa umiiral na city ordinance No. 1572.

Dito na siya sinita ng mga pulis at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang granada.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129