TODAS ang dalawang high school students na sumabak sa obstacle race sa sinalihang youth camp sa Barangay Minagbag, Quezon, Isabela.
Natagpuan ang bangkay ng mga biktima na kinilalang sina Chris Isaah Semila at Jaire Salang-uy, kapwa 15-anyos at third year high school students.
Nabatid na nahulog ang dalawa sa malalim na bahagi ng tubig habang sumasabak sa obstacle race ng Summer Baptist Youth Camp. Kung saan wala umanong salbabida ang mga biktima at pawang hindi marunong magsipaglangoy.