KRITIKAL ang lagay ng isang porter makaraang tadtarin ng saksak ng kasamahan sa trabaho sa loob ng Consignacion Market kaninang umaga Mayo 7 sa Estrella St., Tañong, Malabon City.
Nakaratay at ginagmot sa Tondo Medical Center si Arnold Labarias y Angela, 30, binata, batilyo, ng Paradize Village Tonsuya ng lungsod sanhi ng 18 malalim na tusok ng icepick sa iba’t ibang parte ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Ronald bitbit ang ginamit na icepick kapwa batilyo sa nasabing palengke.
Base saimbestigasyon ni P02 June Belbes ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 7:00 kaninang umaga ng maganap ang insidente sa nasabing palengke.
Nabatid, selos umano sa trabaho ang pinagmulan ng galit ng suspek.
Patuloy nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo ng nasabing insidente habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya sa laban sa suspek.