Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sundalo vs NPA: 2 todas, 6 sugatan

$
0
0

3-deadTODAS ang dalawa habang anim ang sugatan makaraang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang ilang sundalo sa Brgy. Naneng, Tabuk City, Kalinga, kaninang alas-9:40 umaga.

Nabatid na nagbibigay ng seguridad ang ilang sundalo sa paged-deliver ng precinct count optical scan (PCOS) machines para sa halalan sa Lunes.

Nakilala ang mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa ospital ng Kalinga na sina Cpl. Wilfredo Bacacao at Cpl. Allen Pattaguan.

Samantala nakilala ang anim na sugatan na kapwa miyembro ng 17th infantry battalion na sina Pfc. Delfin Goyagoy, Ssgt. Rico Delacuesta, Sgt. Wayne Aguinaldo, Tsgt. Herminigildo Vergara, Tsgt. Constante Alupani at Ssgt. Michael Adducul.

Nabatid na liblib at mabundok ang lugar kung saan tinambangan ang mga sundalo kung kaya naagrabyado ang mga ito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng pursuit operation ang Philippine Army at dumating na rin ang reinforcement ng mga ito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129