INUGA ng magnitude-5.6 earthquake ang General Santos City sa Mindanao kaninang madaling araw (Mayo 9). Wala pang inilalabas na inisyal na ulat hinggil sa danyos o kaswalidad.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology PHIVOLCS) na naitala ang lindol pasado 1:45 a.m. at ito ay tectonic in origin.
Sa kanilang inisyal na bulletin, sinabi ng Phivolcs na ang epicenter ng lindol ay 253 km tumog-kanluran ng General Santos City.
Nasukat naman ng United States Geological Survey ang lindol na magnitude 4.9, na may epicenter: 193 km south-southwest ng Tambilil, 194 km south-southwest ng Kiamba, 214 km southwest ng Glan.
Hindi naman nabanggit ng Phivolcs kung anong mga lugar naramdaman ang lindol.