Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tulak na parak, sugatan sa engkuwentro

$
0
0

SUGATANG isinugod sa isang pagamutan ang isang “rookie cop” ng Cagayan PNP makaraang pumalag ito at makipagbarilan sa operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaktong buyer, habang isinasagawa ang isang buy-bust operation sa isang bus terminal sa Tuguegarao City.

Agad ding isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang suspek na kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. na si Police Officer 2 Heraldine Bautista, kabilang umano sa watch-list at nakatalaga sa Police Regional Office 2 Health Service, Camp Adduru, Tuguegarao City.

Si Bautista ay naaresto noong December 27, 2012, ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin at National Bureau of Investigation (NBI) Cagayan Valley Regional Office (CAVRO), sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tanza, Tuguegarao City particular sa North Star Bus Terminal (formerly EMC Bus Terminal),.

Ayon sa ulat , habang tinatanggap na umano ni Bautista ang marked money sa nagpanggap na poseur-buyer nakahalata umano ang ,una dahil sa sumenyas ito.

Dahil dito, binunutan umano ng baril ni Bautista ang buyer bago ito tinutukan ngunit hindi umano nasiraan ng loob ang buyer dahil bumunot na rin ito ng kanyang baril bago nakipagbarilan sa suspek.

Ayon kay Cacdac, si Bautista ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II,ng Republic Act 9165, kilala sa tawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>