Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Photog’ nahulog sa bintana, patay

$
0
0

UPANG hindi umano makaistorbo sa natutulog na mga kainuman, minabuting dumaan ng isang 29 anyos  na “photographer” sa bintana subalit sa kasamaaang palad ay nahulog at nagtuloy tuloy na bumulusok mula sa ika 3 palapag ng gusali sa Malate, Manila.

Hindi na naisalba sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Ryan Orbe, ‘photographer’, ng Phase 6 Blk.5 Lot 16 Don Vicente Villas, Brgy. Palo, Cabuyao, Laguna dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Mario Asilo, naganap ang insidente dakong 2:20 ng madaling araw sa Mission Way Manpower Agency na matatagpuan sa 1824 San Marcelino St. Malate.

Nabatid sa report ng pulisya, bago umano ang nasabing insidente pumasyal sa lugar ang biktima para dalawin ang kanyang mga kaibigang sina Reobin Hidalgo at Jeck Cabaleoat nang magkita ay nagkayayaang mag-inuman.

Nang malasing ay nagkanya-kanya ng tulog ang mga nag-iinuman, maliban kay Orbe na nagising at naisipan na umuwi.

Upang hindi na umano makaistorbo at baka hindi na siya payagang umuwi sa dis-oras ng gabi, minabuti na lamang ng biktima na dumaan sa bintana.

Hinihinalang nadulas ang biktima at sa kasawiang palad ay nagtuloy tuloy itong bumulusok sa ibaba ng gusali.

Naniniwala naman ang isa sa asawa ng kainuman ng biktima na sadyang aksidente ang nangyari dahil matagal na umanong magkakabarkada ang magkakainuman na pawang mga stay-in sa gusali.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>