Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

5 Perpetual Help students kinasuhan ng hazing victim

$
0
0

MATAPOS ireklamo ng biktimang isinailalim sa matinding initiation rites noong nakaraang linggo sa Las Piñas City, sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang limang babaeng estudyante ng University of Perpetual Help.

Sa limang kinasuhan ng mga tauhan ni Insp. Nick Maamo, hepe Investigation Division ng Las Piñas Police, tanging si Marlyn Alagbate, nasa hustong gulang at residente ng Meadwood Executive Village, Bacoor Cavite ang nasa kostodiya na  ng pulisya habang nakalalaya pa ang apat na sina Lhen Garcia, Marie Buenavente, Lala Morase at Angie Magsael.

Inireklamo ng estudyanteng si Pauline Santos, 18, residente ng Barangay Don Galo, Parañaque City ang limang estudyante matapos na ilang ulit siyang hinataw ng paddle nang isailalim sa initiation rites sa isang bahay sa Barangay CAA, Las Piñas City noong January 10 dakong alas-4 ng hapon.

Batay sa imbestigasyon, ilang ulit nang tumanggi si Santos sa ginagawang paghimok sa kanya ng grupo na lumahok sa kanilang sorority na Tau Gamma Phi-Sigma hanggang sa tawagan siya sa cellphone ni Alagbate at isinama sa initiation rites.

Napansin umano ni Santos na unang isinailalim sa hazing ang ilang estudyanteng lalaki na miyembro ng fraternity sa pinuntahan nilang bahay at matapos noon ay sila namang mga babae ang sumunod na pinahirapan.

Sa kabila ng kanyang pakiusap na hindi na siya lalahok ay itinuloy pa rin ang paghataw sa kanya ng paddle ng lima.

Nakauwi lamang si Santos nang isakay siya sa tricycle ni Alagbate kaya’t kaagad siyang nagsumbong sa kanyang magulang kaugnay sa sinapit na pahirap sa kamay ng mga miyembro ng sorority.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129