ISANG Singaporean national ang natagpuang patay sa kanyang tahanan sa Quezon City.
Nakita ang bangkay ni Peter Lee, 50, ng Detroit Street , Barangay Pinagkaisahan, sa receiving area ng kanyang tahanan na may saksak sa kanyang batok.
Pinaniniwalaan naman ng pulisya na biktima ng pagnanakaw ang motibo sa pamamaslang dahil nawawala ang wallet nito, IPhone 4, kung saan pinaghihinalaang ang katulong na may edad 16 hanggang 18 ang siyang gumawa ng krimen.
Nakita ang bangkay ng driver ng biktima na si Julio Cariño Jr., who nang umuwi ito galing Dau, Pampanga.