Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Blast site sa Taguig, negatibo sa bomb fumes

$
0
0

NEGATIBO sa bomb fumes at bomb residue ang naganap na pagsabog sa Two Serendra condominium sa Taguig City.

Ito ang sinabi ni DILG Secretary Mar Roxas mula sa ulat ng pulisya na binusisi ng tatlong bomb sniffing dogs sa mga nakuhang debris sa naturang lugar.

Gayunman, sinabi ni Roxas na hindi pa naman pinal ang pagbusisi ng mga elemento ng PNP Bomb Squad sa naturang insidente at hindi pa anya ruled out ang anumang anggulo ng pagsabog.

Anya, magiging transparent ang mga awtoridad sa gagawing pag-imbestiga dito na aabutin ng linggo.

Kasama ng PNP ang NBI, Bureau of Fire Protection sa pagbusisi sa naganap na pagsabog.

Sa pagsabog na ito, 3 ang namatay at 5 ang nasugatan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>