Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot, swak sa selda dahil sa kasong adultery

$
0
0

SWAK sa rehas na bakal ang isang lalaki makaraang ipadakip ng tunay na asawa ng kanyang kinakasama sa Barangay West Navotas City.

Sinampahan ng kasong adultery ni Generoso Dela Cruz y Leaño 53 ng 510 H. Monroy St., ng nasabing barangay ang kanyang tunay na asawang  si Caralina Marquez Leaño, 48  at ang kalaguyo nitong si Noel Fuentes y Barlan, 43, ng  nasabi ring barangay.

Ayon sa imbestigasyon ni Sp01 Marife Malinao ng Women and Children Protective Desk (WCPD) ng Navotas pulis ganap na alas- 11:00  ng umaga nang ipaaresto ni Generoso ang magkalaguyo sa kanilang inuupahang bahay.

Nauna rito,  nagkaroon ng bawal na relasyon sina Marquez at Fuentes mula noong Pebrero 2013 hanggang sa nagsama ang magkalaguyo at nangupahan sa Habbi Compound Bry. Bangkulasi, Navotas.

Hindi isinaalang-alang ng misis ang kanyang mga anak na iniwan  at sumama sa ibang lalaki kaya nagpasya si Generoso na sampahan sila ng  kasong  adultery.

Ipinaaresto ni Generoso ang magkalaguyo subalit nakatakas si Catalina  habang si Noel lamang ang nadakip kaya agad itong dinala  sa presinto.

The post Kelot, swak sa selda dahil sa kasong adultery appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129