Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

24 ‘most wanted persons’ sa Ilocos Norte arestado ng PNP

$
0
0

ARESTADO ng Philippine National Police ang 24 na “most wanted persons” sa probinsya ng Ilocos Norte.

Ayon kay Police Senior Supt. Manolito C. Labador, Officer-In-Charge ng PNP-Ilocos Norte, sa buwang ng Enero, 2012 hanggang Enero 2013 ay naging matagumpay ang mga pulis sa pagtugis sa mga most wanted persons sa kanilang probinsya.

Sinabi ni Labador na ang tagumpay ng mga pulis ay dahil sa pagtutulungan ng mga PNP sa region 1 at ng mga community at local police sa Ilocos Norte sa ilalim ng programa nilang SAFE 2013 (secure and fair elections).

Sinabi pa niya na ang tagumpay na ito ng PNP-Ilocos Norte ay simula pa lang ng pagpapaigting nila ng kampanya laban sa mga most wanted persons sa buong rehiyon ng Ilocos.

Naniniwala naman ni Labador na mas palalakasin pa PNP sa region 1 ang kanilang mga programa kontra krimen ayon na rin sa direktiba ni Regional Director PCSupt. Ricardo C. Marquez.

Si Labador din ang kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations (DRDO) of the Police Regional Office 1 (PRO1).

Inihayag din niya na tanging ang lalawigan lamang ng Ilocos Norte sa rehiyon 1 ang hindi kasali sa listahan ng 15 priority watch list area sa darating na eleksyon 2013.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129