Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Magkapatid tiklo sa pagtutulak ng shabu

$
0
0

LAOAG CITY – Dalawang magkapatid na umano’y nasa top list ng order of battle ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Region 1 dahil sa talamak na pagbebenta ng illegal na droga ang nasakote sa isinagawang operation sa Batac, Ilocos Norte kamalakawa ng umaga.

Kinilala ng PDEA Region 1 ang mga suspek na sina Jerry Asuncion at kapatid nitong si Lindberg, parehong nakatira sa Barangay Quiling Sur, Batac city, sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbistigasyon na isinagawa ng Batac Philippine National Police (PNP) at PDEA, ang magkapatid na Asuncion ay matagal nang umanong pinag hahanap ng batas at nasa order of battle dahil sa pagkakasangkot sa illegal na pagbebenta ng shabu sa nasabing lalawigan at kapalit lugar nito.

Sa isang entrapment matapos ang ilang buwang surveillance, isang undercover agent ng PDEA ang umaktong bibili ng shabu sa mga suspect at agad itong pinusasan matapos ibigay ang nasabing droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang undetermined amount ng shabu at marked money na ginamit sa anti-drug operation.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa Batac PNP detention cell at nahaharap sa kasong Anti-illegal Drug Act.

The post Magkapatid tiklo sa pagtutulak ng shabu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129