DALAWANG dalagitang ipinasok sa bar upang maging guest relations officer ang nailigtas sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Alas-11 ng gabi nang lusubin ng mga pulis ang Mono-Mono Restobar sa Tonsuya ng lungsod.
Dito ay nailigtas ang mga biktimang edad 16 at 17.
Isinama ng mga pulis ang dalawang dalagita at ang may-ari ng bar na si Cese Manalaysay, 33 upang sampahan ng kasong paglabag sa Human Trafficking Act of 2000.
The post 2 dalagita naisalba sa club appeared first on Remate.