ARESTADO ang dalawang mangingisda na sakay ng kanilang bangka matapos makita na nasa gilid ng BRP Ang Pangulo kung saan itinuturing itong restricted area.
Kinilala ang dalawang mangingisda na sina Julius Romano, 40, at Jayson Ubanili, 17, kapwa residente ng Block 7, Baseco compound, Port Area, Manila.
Nabatid na inaresto ni PO2 Rodel Rivamonte ng PCG of the Coast Guard Ready Force ang dalawang habang nangingisda dakong 2:00 ng madaling araw kung saan ang kanilang bangka ay nasa gilid ng BRP Ang Pangulo.
Sumailalim naman ang dalawang naarestosa medical examination bago sila dalhin sa tanggapan ng Philipine Port Authority (PPA).
The post 2 mangingisda ng Tondo, arestado appeared first on Remate.