AGAW-BUHAY ang isang binata matapos saksakin ng kaaway makaraang harangin ang una at kinompronta ng huli kasama ang tropa sa Caloocan City noong Miyerkules ng gabi.
Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng saksak sa likod si Ryan Dimaano, 18 ng Macopa St., Bagong Barrio ng lungsod.
Pinaghahanap naman si Wilfredo Bacod ng Zapote St., Bagong Barrio ng lungsod at siyam na hindi pa kilalang mga kasama.
Base sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi, naglalakad ang biktima sa General Mascardo St., Bagong Barrio nang harangin at komprontahin ng mga suspek.
Iiwas sana ang biktima at pagtalikod ay inundayan ng saksak ni Bacod bago nagsitakas ang grupo habang dinala naman sa MCU ang una kung saan inaaalam na kung ano ang atraso ni Dimaano kay Bacod.
The post Kelot, kritikal sa kaaway sa Caloocan City appeared first on Remate.