Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

“Vilma Santos” arestado sa anti-human trafficking law

$
0
0

DAKIP ang isang kapangalang ni Vilma Santos matapos ireklamo ng mga kaanak ng tatlong menor-de-edad na taga-Valenzuela City sa isinagawang pagsalakay sa Meycauayan, Bulacan, Sabado ng hapon, Hunyo 22.

Nakilala ang suspek na si Vilma Santos, alyas Joan, 37 ng Meycauayan, Bulacan.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo ang Valenzuela City Police mula sa mga kaanak ng tatlong dalagita na may edad 14 hanggang 17 na taga-Valenzuela City hinggil sa ginawang pagpo-pose ng nakahubad ng mga biktima kapalit na makakapagtrabaho sa Malaysia.

Nakipag-ugnayan ang Valenzuela City Police sa Meycauayan Police at alas-3 ng hapon ay pinuntahan ang lugar ng suspek sa tapat ng Banga Elementary School na naging dahilan upang dakpin ang suspek habang nailigtas ang mga biktima.

Sinabi pa ng mga biktima na kailangan umano nilang mag-pose ng nakahubad dahil iyon umano ang gusto ng kanilang papasukan sa Malaysia.

Hinahanap na ng mga pulis ang ibang kasama ng suspek at nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

The post “Vilma Santos” arestado sa anti-human trafficking law appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>