Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Coplan Armado’ walang go signal – PAOCC

$
0
0

ITINANGGI ni Presidential Anti-Organized Crime Commission executive director Reginald Villasanta na binigyan nila ng go signal ang “Coplan Armado” sa Atimonan, Quezon.

Ito ang ipinahayag ni Villasanta sa pagharap nito sa National Bureau Investigastion-Death Investigation Division ngayong umaga.

Ayon kay Villasanta, totoo na inilapit sa kanilang tanggapan ang Coplan Armado nina P/Supt. Hansel Marantan, P/Supt. Glen Dumlao at nasibak na Calabarzon regional director na si James Melad.

Gayunman, sa isang board resolution ng PAOCC ay hindi aniya nila inaprubahan ang nasabing operasyon dahil sa kakulangan sa mga dokumento upang ma-assess nila ang operasyon, at mga importanteng impormasyon gaya ng kung sino-sinong ahente ang kasama sa operasyon at endorsement mula sa mother unit nito.

Nilinaw rin ni Villasanta na ang isang daang libong pisong pondo na ibinigay nila ay para magamit sa pagkalap ng impormasyon upang mapagtibay ang inihaing Coplan Armado at hindi para sa operasyon mismo.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129