Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

QCPD, informal settlers, nagkagirian sa demolisyon

$
0
0

NAGING marahas ang protesta na ikinasa ng mga residente sa Agham Road sa Quezon City kaninang umaga (Hulyo 1) nang batuhin ng mga illegal settlers ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na gigiba sa kanilang mga kabahayan.

Bilang ganti naman, nagpaputok ng baril ang kapulisan habang naghahagis ng bato, bote at dumi ng tao ang mga nagpo-protesta sa mga pulis na gumiba sa isang itinayong barikada sa Agham Road.

Dahan-dahan naman na umaabante ang kapulisan gamit ang kanilang shields para ipinangga sa mga batong ipinupukol sa kanila.

Ayon sa mga residente, binigyan sila ng ultimatum ng hanggang kahapon (Hunyo 30) para lisanin ng boluntaryo ang lugar para sa road widening project.

Sinabi naman ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na may 8,000 sa tinatayang 10,000 informal settler families sa lugar ang tinanggap na alok ng local city government para sa relokasyon.

Inakusahan din ni Bautista ang activist group Anakpawis na siyang nag-udyok para maging magulo ang demolisyon at nakatanggap ng impormasyon na nanghihingi ang grupo ng P1,000 bawat informal settler families kapalit ng proteksyon mula sa relokasyon.

The post QCPD, informal settlers, nagkagirian sa demolisyon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>