NAGPALABAS ng panibagong warrant of arrest ang mababang korte laban sa kontrobersyal na Coco Rasuman Group.
Sa ipinadalang text Message ni Justice Secretary Leila de Lima, kinumpirma nito ang inisyu na arrest order ng Cagayan de Oro Regional Trial Court (RTC) kaugnay sa dalawang bagong kasong isinampa laban kay Jachob “Coco” Rasuman at pitong iba pang official ng investment company na NAD Auto Opinion .
Magugunita na nito lamang Miyerkules ay sinampahan ng Department of Justice ang dalawang bilang ng kasong syndicated estafa ang grupo ni Rasuman dahil sa pagkuha umano ng halos P20 million mula sa mga biktima mula 2011 at 2012 sa pangakong babalik ang kanilang salapi na may dagdag 50 hanggang 100 porsiyento na interes sa loob lamang umano ng dalawang buwan.
Bukod kay Rasuman, nadawit din sa kaso ang kanyang ama na si dating Public Works and Highway Undersecretary Bashir Dimaampo Rasuman.