IMBES pag-aaral ang atupagin, nahuli ang dalawang grade 7 pupil na humihithit ng marijuana sa loob mismo ng kanilang eskuwelahan sa La Union kaninang umaga (Hunyo 3).
Nasa pangangalaga na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang dalawang Grade VII na mag-aaral na hindi ibinunyag ang mga pangalan dahil mga menor de edad.
Naganap ang pagpo-pot session dakong 9:30 ng umaga sa loob ng bakuran ng Saytan National High School sa bayan ng Pugo, La Union.
Sa ulat ng La Union Police Provincial Office, nahuli sa akto ng isang titser na nakilalang si Ricardo Mendoza ang kanyang mga estudyante na ang edad ay 13 at 14-anyos na humihithit ng marijuana sa likurang bahagi ng computer laboratory.
Dahil dito, ipinasakamay ang dalawang estudyante sa aw toridad para sa kaukulang disposisyon.
Nakumpiska mula sa mga estudante ang isang rolyo at isang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Sa ngayon, inaalam na ng pulisya ang pinanggalingan ng marijuana para ito ay mahuli at masampahan ng kaukulang kaso.
The post 2 estudyante, huli sa school ‘pot session’ appeared first on Remate.