Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P1.9-M tires hinaydyak, 3 tiklo

$
0
0

TIMBOG ang tatlong  katao na sangkot sa pangha-hijack sa isang 20 footer van na naglalaman ng P1.9 milyon halaga ng assorted tires sa Tondo, Maynila sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District.

Hawak na ng MPD-Anti Carnapping Unit (ANCAR) ang suspek na sina Erick Lacquio, 35, ng 223 Sadico St., Tondo, Manila; Edward Villaflor, 43, caretaker ng 42 C3 Road Dagat-dagatan, Caloocan City at Liezel Bravante, 44, caretaker ng 41 C3 Road Dagat-dagatan, Calocan City.

Nag-ugat  ang pagkakaaresto  ng mga suspek  sa  reklamo ni Reynold Reyes, 42, dispatcher ng Meridian Cargo Forwarder.

Sa report ni Senior Insp. Rosalino Ibay, Hepe ng MPD-Ancar, alas-11:30 ng umaga nang naaresto ang mga suspek sa loob ng Cheson Tire supply sa 41 C3 Road Dagat-dagatan, Caloocan City.

Nabatid na  dumulog  sa MPD   si Reyes  kung saan ang kanilang 20 footer van na shipment na naglalaman ng P1.9

milyon na assorted tires ay  inireport ng kanilang consignee sa Puerto Prinsesa Palawan  na nawawala.

Napag-alaman  naman ng MPD-ANCAR na ang  nasabing kargamento ay ninakaw sa Port Area, Tondo ng grupo ni Romeo Gozaga, alias Kabangna, kasama sina Johnrey Samane, truck helper at Erick Laquio at alias Weng Villaflor.

Modus operandi ng grupo ang puwersahang buksan ang 20 footer van gamit ang acetylene torch saka kukunin ang mga laman nito at papalitan ng sand bags.

Sa pagkakaaresto ng mga suspek, lumutang din ang isang Waimon Wong, may-ari ng Jealousy Frame  Aluminum Products kung saan biktima rin ng kaparehas na modus-operandi ng mga suspek.

The post P1.9-M tires hinaydyak, 3 tiklo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>