TODAS ang ginang nang gilitan ng selosong asawa sa loob ng kanilang bahay matapos ang pagtatalo dahil sa hinala ng huli na may ibang lalaki ang una sa Caloocan City Linggo ng umaga, Hulyo 14.
Dead on the spot sanhi ng laslas sa leeg si Luzviminda Oliveros, 45 ng Phase 12, Tala ng lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang asawa ng biktima na si Samuel, 43, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga, nagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay dahil naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang asawa.
Kumuha ng patalim ang suspek bago nilaslas ang leeg ng asawa saka tumakas.
The post Misis laslas ang leeg sa selosong mister appeared first on Remate.