PATAY na nang makita ang isang kelot habang nakabigti ng nakaupo sa 3rd floor ng kanilang bahay sa Valenzuela City Lunes ng umaga, Hulyo 15.
Nakilala ang biktima na si Henry Dacoma, 30 ng Kabuhayan st., Mapulang Lupa ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang makitang nakabigti ng electrical cord habang nakaupo ang biktima sa ikatlong palapag ng kanilang bahay ng kanyang mga kaanak.
Nabatid sa ilang kaibigan ng biktima, kamakalawa ng gabi ay nakainuman pa nila ang biktima at nagsabi na gusto na nitong mamatay dahil sa personal na problema.
Inaalam na mga pulis kung ano ang problema ng biktima na naging dahilan upang magbigti.
The post Kelot nagbigti ng nakaupo appeared first on Remate.