Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Seguridad sa paligid ng Chinese embassy, inilatag

$
0
0

INILATAG na ng pamahalaan ang seguridad sa buong kapaligiran ng Chinese embassy bunga ng nakakasang “worldwide protest”.

Dahil dito, napilitang magsara ngayong araw ng kanilang visa office ang Chinese embassy sa lungsod ng Makati sa gitna nang nakaambang aAnti-China protests ng ilang Filipino groups.

Sa ipinalabas na kalatas ng embahada, tinukoy ang umano’y “security reasons” ang kadahilanan kung bakit suspendido muna sa ngayong araw ang kanilang serbisyo.

Una nang nagpahayag ng tiwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi naman makadadagdag pa sa tensyon ang gagawing “worldwide protest” ng mga Filipino laban sa China.

Ayon kay DFA spokesperson Raul Hernandez, magpapahayag lamang ng kanilang posisyon ang mga kababayan at ito ay bahagi ng demokrasya.

Nilinaw din ng opisyal na hindi sanctions ng Philippine government ang nasabing Global Day of Protest.

Layon umano ng protesta ay para kondinahin ang sinasabing panghihimasok ng China sa sobereniya ng Pilipinas.

The post Seguridad sa paligid ng Chinese embassy, inilatag appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>