Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ret. pulis na tulak ng shabu at masugid na intel, dedo sa NPA

$
0
0

PATAY ang isang retiradong pulis at umano’y tulak ng shabu nang parusahan ng kamatayan ng isang yunit ng Celso Minguez Command-New People’s Army-Sorsogon.

Ginawaran ng kamatayan si SPO1 Virgilio Miguel Garra sa Brgy. Gadgaron, Matnog, Sorsogon nitong Hulyo 24, 2013 ganap na alas-6:45 ng umaga.

Ayon kay Samuel Guerrero, tagapagsalita ng CMC-NPA, masugid na intel ng Philippine National Police at ng Military Intelligence Group si Garra mula nang nasa serbisyo pa siya ng PNP, hanggang sa siya’y magretiro na.

“Aktibo siyang naglatag ng mga Barangay Intelligence Network sa mga bayan ng Matnog, Bulan at Magallanes para labanan ang rebolusyonaryong kilusan,” ayon sa pahayag ni Guerrero.

Dagdag pa ni Guerrero: “Sa panahon ng kanyang pagretiro, direkta siyang nagre-report bilang ahenteng paniktik sa Commanding Officer ng 31st Infantry Battalion.”

Aniya, may malubhang pananagutan din si Garra sa pagpapasurender ng dalawang mandirigma ng Celso Minguez Command noong dekada 90 at 2006.

Kabilang din umano sa kanyang krimen sa mamamayan ay ang pagiging dealer ng shabu sa mga bayan ng Matnog, Bulan, at Magallanes.

Matagal nang inirereklamo ng mga magulang, guro at maging ng mabubuting alagad ng batas ang garapal na pagsu-supply ni Garra ng ilegal na droga sa mga komunidad, paaralan, at mga opisina, sabi ni Guerrero.

Ang mga drug pusher na kanyang kontrolado sa mga bayang nabanggit ay nagsisilbi ring mga asset niya sa paniniktik.

Nagbabala ang Celso Minguez Command sa mga dealer at pusher ng ilegal na droga sa probinsya, lalo na yaong mga nasa hanay ng militar at pulisya, na lalabanan ng CMC ang mga sagad-sa-butong masasamang elemento  na sumisira sa buhay at kalusugan ng mamamayang Sorsoganon.

The post Ret. pulis na tulak ng shabu at masugid na intel, dedo sa NPA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>