PATAY ang isang consultant ng isang Real Estate kahapon nang bumagsak habang naglalakad patungo sa bahay ng isang kaibigan sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Rodrigo Villanoz, nasa wastong edad at Property Consultant ng Omniland Estate Realty Corp. at residente ng 67-K 10th St., Kamias, Quezon City.
Sa report ni PO3 Julieto Malindog ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 2:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng bahay sa 963 Josefina Apartment 3rd St., Sampaloc, Manila.
Ayon sa salaysay ni Nicole Anne Umaweg, 7, nasa labas siya ng kanilang bahay nang nakita ang biktima na bigla na lamang itong bumagsak sa semento sabay ng pagbuhos ng ulan kaya pumasok siya sa kanilang bahay at sinabi sa kanyang ama na si Larry.
Bagama’t malakas ang buhos ng ulan ay lumabas pa rin si Larry at tinignan ang biktima saka inireport kay Elvis De Guzman, Kagawad ng Brgy. 531 Zone 52, Dsitrict 4, Sampaloc.
Ayon kay Manuel Fernandez, 56, ng 966 Josefina Apartnent, may usapan sila na dadalaw sana ang biktima sa kanilang bahay subalit ilang hakbang na lamang ay hindi na nakarating sa kanila.
Inamin din ni Fernandez na may sakit sa puso at mataas ang presyon ng dugo ang biktima kung saan na-confine ito sa East Ave., Medical Center. (Jocelyn tabangcura-Domenden)
The post Consultant ng real estate hinimatay, patay appeared first on Remate.