TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Muli namang ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan pasado alas 9:00 kagabi.
Batay sa inisyal na report ng Kabacan PNP, likurang bahagi umano ng University of Southern Mindanao Administration Building ang apektado ng di pa mabatid na uri ng explosive.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng Kabacan PNP.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa panibagong pagsabog.Pinag-aaralan naman ng mga awtoridad kung ito ba ay may kaugnayan sa pagprotesta ng mga ilang faculty and staff maging ang mga mag-aaral sa nasabing unibersidad.
Matatandaan na pinapatalsik ng mga ilan kawani at mga mag-aaral sa naturang unibersidad ang pangulo dahil sa hindi magandang pamamalakad nito sa naturang institution. kaya posibleng isa rin na tinitingnan na anggulo sa naturang pagsabog.
The post Bomba sumabog sa likod ng USM Administration Bldg appeared first on Remate.