Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

163 billboard sa QC walang permit

$
0
0

WALANG permit  ang halos  163 billboards sa Quezon City para magtayo sa pamahalaang lungsod ng  Quezon.

Ito ang kinumpirma ni Engr. Gani Versoza, building official ng Quezon City  matapos mabatid na halos lahat ng billboard sa lungsod ay walang kaukulang  permit mula sa pamahalaang lungsod partikular  sa City Engineering office.

Ayon kay Versoza, 44  nakatayong billboard sa lungsod ay high risk o mapanganib sa sandaling magkaroon ng biglaang bagyo dahil sa maling istraktura na pagkakatayo nito o mapanganib ang pagkakatayo.

Sinabi pa ng QC building official na batay sa kanilang isinagawang inspection sa mga naturang billboard lumabag din ang billboard sa  itinatadhana ng safety measure ng mga naturang billboard dahil sablay ang pagkakatayo o delikado ang mga naturang istraktura.

Idinagdag pa ni Versoza   sa kasalukuyan  pinapayagan lamang ng QC building office ang  sistema ng paglalagay ng billboards sa wall standing dahil   ito rin ang pinapayagan ng batas at lungsod.

“Kung susundin talaga ang batas halos lahat ng billboards na nakatayo sa pamahalaang lungsod ay bagsak   sa safety standard at hindi pumasa,” ani pa ni Versoza.

Nauna rito, sinabi ni Versoza  39 gusali sa lungsod ay lagpak sa fire at building safety ng lungsod at inirekomenda nila na ipasara ng Quezon City  government ang mga naturang gusali.

Kabilang dito ang ilang dormitoryo sa paligid ng kolehiyo at paaralan sa lungsod na hindi sumusunod sa fire safety at building regulation ng lungsod.

Kabilang sa paglabag ng mga naturang gusali ay walang building permit, fire safety inspection certificate, fire permit at business permit.

The post 163 billboard sa QC walang permit appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>