NALANSAG na umano ng mga awtoridad ang serye ng holdapan nang maaresto ng intelligence unit ng Malabon pulis, ang 13 pusakal na holdaper sa sunud-sunod na operasyon Biyernes ng hapon, August 9, sa Malabon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Michael Sadio, binata, ng Mangostan road, Dante Sabijon, 43, may asawa, ng 144 Mangosta road; Darel Sabijon, 18, 144 Mangostan road; Jaypee Agualdo, 28, binata, ng 133 University Avenue; Jeperson Velarde, 23, binata, ng 136 University Ave. at Michael, 37, binata, ng 144 Manostan road pawang taga Brgy. Potrero ng lungsod.
Sa imbestigasyon, inginuso ng unang grupong natimbog ang kanilang kasamahang grupo na naka base sa Morning Breeze, Caloocan City na sina Nestor Matchuca, 27, binata, ng Melon st.; Randy Pomida, 27, ng 284 Reparo St.; Alex Villa, 33, ng VMN compound Anonas road; Allan Yumol, 35, ng Reparo St.; Gerald Doctor, 23, binata, ng Kalaanan compound Caloocan City; Jimbo Malit, 33, may asawa ng Baliuag, Bulacan at si Joselito Pagulayan Jr, 32, ng 168 Morning Breeze Caloocan City.
Narekober ng mga awtoridad sa unang grupo ang isang kalibre 9mm Taurus na may dalawang magazine at 24 pirasong bala, isang improvice gun (sumpak) na may isang bala ng 12 gauge ammunition, itak na may habang 18 pulgada, at mga patalim.
NAkumpiska naman sa ikalawang grupo ang dalawang kalibre .45 na may 18 bala, dalawang improvice gun (sumpak) na may 2 pirasong 12 gauge ammunition at isang kalibre .38 na may 6 na live ammo.
Base sa report na ipinadala ni Sr. Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon pulis, kay Chief Supt. Joel.Ma. T. Alvarez,director ng Northern Police District (NPD), ganap na alas 4:15 ng hapon ng isagawa ang operasyon ng kanyang mga tauhan sa Mangosan Road ng nasabing barangay kung saan natimbog ang grupo ni Michael Sadjo.
Matapos dalhin ang mga suspek sa presinto agad naman nitong inginuso ang hideout ng kasamahan nila sa Caloocan kaya agad nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Caloocan pulis at dito naman naaresto pa ang pitong suspek na pinangunahan naman ni Nestor Machuca.
Dahil sa pagkalansag ng Malabon pulis sa pusakal na grupo ng robbery holdup gang na nag ooperate sa nasabing barangay umaasa sila na mababawasan na pangamba ng mga residente dito.
The post 13 holdaper, timbog appeared first on Remate.