HINDI Si Cebu prosecutor Maria Teresa Casiño na nabaril sa ulo ang talagang target patayin ng isang Canadian national na walang habas na namaril Cebu court kaninang umaga (Enero 22).
Sinabi ni Cebu City Municipal Trial Court Prosecutor General Claro Arellano na ang talagang target ng gunman na si John Pope, ay ang prosecutor na may hawak ng kanyang kasong malicious mischief at nagkataong nakasalubong lamang nito si Casiño.”Pagkatapos niyang mag-amok sa hearing, pumunta siya sa prosecutor’s office. Ang babarilin niya sana ay iyong case prosecutor kaso nakasalubong niya itong si Casiño,” kuwento ni Arellano.
Bago ang pagatake kay Casiño, pinagbabaril ni Pope sa loob ng courtroom na dinidinig ang kanyang kaso ng MTCC Branch 2 Judge Anatalio Necesario ang nagrelamo sa kanya na si Rene Rafols at ang abugado nito na si lawyer Joviena Achas.
Nang tanungin kung may ginawa si Casiño para barilin siya ni Pope, “Wala, nagwawala na iyong tao. Nagkataon na si Casiño ang nakasalubong niya kaya siya ang nabaril,” pahayag ni Arellano.
Hindi naman pinangalan ni Arellano ang prosecutor na humahawak sa kaso ni Pope.Nalulungkot naman si Arellano dahil nasa kritikal na kondisyon si Casiño sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa ulo. (Robert C Ticzon)