NASAWI ang isang 42-anyos na delivery boy nang pagtatagain sa ulo at katawan dahil sa masamang tingin kagabi sa Pasay City.
Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital si Domingo Balino, ng Blk 10, Lot 5 Narra St., Barangay Sto. Niño sanhi ng mga taga at saksak sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.
Naaresto naman ng rumespondeng si PO3 Melfin Delasalungan, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 6 ng Pasay police, ang suspek na si Diego Obligado, pedicab driver, 32-anyos ng Blk 7, Lot 4, Molave St., Barangay Sto Nino, kung saan ay inabutan pa nito na nakakubabaw pa sa biktima at walang habas na pinagsasaksak ng hawak na jungle bolo ng nasabing pedi.
Batay sa imbestigasyon, lasing ang biktima at pauwi na nang tingnan ng masama ang suspek na kalalabas lamang ng kanilang bahay sa Molave St. alas-alas-8:30 kagabi.
Sinita ng suspek ang biktima kung bakit masamang makatingin na naging dahilan ng mainitan nilang pagtatalo.
Ayon naman kay Obligado, una siyang sinaksak ni Balino sa kanang kamay kaya’t kumuha siya ng itak sa loob ng kanilang bahay at ginantihan ang biktima.
The post Masamang tumingin, pinagtataga ng pedicab driver appeared first on Remate.