NAGPATIWAKAL ang isang lalaki makaraang mabigong makapasa sa Nursing Board Exam sa Cauayan City, Isabela.
Natagpuang nakalambitin at wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan ang biktimang si Sotero Bautista, 25, karpintero, graduate ng BS Nursing at residente ng Purok 7, San Fermin, Cauayan City.
Nabatid na nakipag-inuman ang biktima sa kanyang kamag-anak na si Daniel Fernandez at naikuwento ang hinanakit sa hindi pagkakapasa sa pagsusulit at hinanakit sa kanyang pamilya.
Sinasabing pinagsabihan ng mga magulang ang biktima na muling sumailalim sa pagsusulit subalit tumanggi na si Daniel dahil tatlong beses na siyang hindi pumasa.
Dahil dito pinagsabihan aniya siya ng mga magulang na bahala siya sa buhay niya na hindi niya matanggap dahilan para magpakamatay.
The post Bagsak sa board exam, kelot nagpatiwakal appeared first on Remate.