NAGTAKDA na ng pagdinig ang panel of prosecutors na may hawak sa pagdinig sa kasong kriminal kaugnay sa naganap na insidente sa Balintang Channel noong May 9, 2013.
Itinakda ang unang preliminary investigation sa ika-9 ng Setyembre, ganap na alas-dos ng hapon.
Napadalhan na ng subpoena ang mga respondent, gayundin ang National Bureau of Investigation.
Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, miyembro ng panel sina Assistant State Prosecutors Juan Naverra, Alexander Suarez at Josie Christina Dugay.
Matatandaan na una nang inirekomenda ng National Bureau of Investigation na masampahan ng kasong homicide ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard na sakay ng patrol ship nang maganap ang madugong insidente.
Ang walo ay nagsabwatan nang paputukan ng mga ito ang dalawang bangkang pangisda ng Taiwan na nagresulta naman sa pagkamatay ng isang mangingisdang Taiwanese.
The post Pagdinig sa mga sangkot sa Balintang channel incident, itinakda ng DoJ appeared first on Remate.