Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pulis sabit sa panunutok ng baril

$
0
0

ISANG bagitong pulis na nakatalaga sa Philippine National Police’s Anti-Kidnapping Group ang nangananib na masibak matapos umanong tutukan ng baril ang isang nakagitgitang motorista sa Quezon City kaninang umaga.

Batay sa inisyal na ulat, kinilala ang pulis na si PO2 Joven Janairo, na bukod sa grave threat ay nahaharap din ito ng paglabag sa ipinaiiral na gun ban ng Commission on Elections dahil naka-sibilyan umano ang pulis ng mangyari ang insidente ng panunutok.

Batay sa record ng QCPD, nangyari ang insidente pasado alas 8:30 ng umaga sa may flyover ng Edsa Kamuning patungong Cubao.

Lumitaw sa imbestigasyon na sakay ng kanyang motorsiklo si Janairo ng mawalan umano ito ng balance hanggang sa masagi ang isa ring naka-motorsiklo at isang taxi.

Sa halip na humingi umano ng pasensiya ay binunot nito ang nakasukbit na baril bago tinutukan ng baril ang isa pang rider ng motorsiklo pero mariin naman itong itinatanggi ni Janairo.

Gayunman, tahasang sinabi ng Quezon City Police District na si Janairo ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comelec gun ban na epektibo hanggang June 12 dahil hindi siya naka uniporme ng mangyari ang panunutok ng baril.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>