TINATAYANG nasa 10 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang tupukin ng apoy ang may anim na kabahayan makaraang sumiklab ang isang sunog sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay SFO3 Jose Felipe, ng Quezon City Fire Department, hindi pa matukoy kung kaninong bahay at ano ang pinagmulan ng apoy.
Nahirapan ang mga rumespondeng bombero sa pag-apula ng sunog dahil sa makipot na daan sa lugar.
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling-araw at umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago ito naapula makalipas ang halos dalawang oras.
The post 10 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC appeared first on Remate.