Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bangkay ng babae nakasemento sa loob ng drum, lumutang

$
0
0

SEMENTADO ang katawan ng isang 32-anyos na babae sa loob ng isang drum nang natagpuang nakalutang sa creek sa Quiapo, Maynila kaninang umaga.

Kinilala ang biktima ng kanyang mga kaanak na si Ma. Kristine Ricafrente ng 1354-D, Burgos St., Paco, Maynila.

Sa report ni PO3 Mario Asilo, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 11:15 ng umaga nang nadiskubre ang katawan ng biktima sa creek sa Arlegui St., Quiapo, Maynila.

Ang biktima ay huling nakitang buhay noong Agosto 24 ng gabi nang nagpaalam ito sa kanyang ina na pupunta sa kanyang kaibigan na si alias Jokang subalit hindi na ito bumalik sa kanilang bahay.

Nalaman naman ng pamilya ng biktima na hindi ito pumunta sa bahay ni Jokang nang ipaalam sa kanila ng huli noong Agosto 24 na hinahanap din niya ang biktima dahil hindi ito sumasagot sa kanyang celphone at “out-of-coverage” ito.

Nalaman din nila na imbes na pumunta ang biktima sa bahay ni Jokang ay dumiretso ito sa isang Khalil na nakatira rin sa Quiapo.

Dahil dito, inireport ang insidente sa PCP Barbosa at sa tulong ng pulis, barangay ay kasamang pumunta si Jokang at ina ng biktima sa bahay ni Khalil subalit hindi ito naabutan ang huli pero nakarekober sila ng damit ng biktima.

Kamakalawa ng umaga inireport sa pulisya ng mga netizen ang nakitang kulay asul na drum sa creek kung saan ipinabatid din ito sa kamag-anak ng biktima kaya kaagad silang nagtungo naman sa PCP Barbosa para puntahan kung saan dinala ang babaaeng nakasilid sa drum.

Personal na kinilala ang ina ng biktima ang anak na nakasasilid sa drum sa pamamagitan ng kanyang tattoo na “Michael” at bulaklak na rosas sa kanyang kanang hita.

Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Archangel Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Patuloy naman pinaghahanap ng pulisya si Khalil at iniimbestigahan ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

The post Bangkay ng babae nakasemento sa loob ng drum, lumutang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>