NASAGIP na mula sa mga kamay ng pirata ang 15 tripulanteng Pinoy sa na-hijack na Greek tanker sa Nigeria noong August 16.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ipinaabot ng local manning agency ng M/T Norte na na-rescue ang mga Pinoy crew ng Nigerian Naval forces.
Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, ligtas naman ang 15 Filipino seafarers.
Dinala umano sa Nigerian Naval base ang naturang mga Pinoy para sumailalim sa debriefing at ngayong araw ay dadalhin sa Lagos, Niegria.
Inatasan na ng DFA ang embahada sa Nigeria na asikasuhin ang mga Pinoy kapag dumating sa Lagos at ibigay ang kaukulang tulong.
Naipaalam na rin sa pamilya ng mga Pinoy seamen ang pagkakaligtas sa mga ito.
The post 15 tripulanteng Pinoy na-rescue sa na-hijack na tanker appeared first on Remate.