HUMINGI ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng tulong at nagpapasaklolo sa mga eksperto sa biochemical weapons.
Ito ay kaugnay sa di umano’y paggamit ng New Peoples Army (NPA) ng landmines na nilagyan ng bacteria.
Aminado ang AFP na hindi sapat ang kanilang kaalaman sa mga ganitong klase ng pampasabog kaya hindi nila alam ang gagawing pagtugon dito.
Magugunita na matitinding sugat sa katawan at impeksyon ang inabot ng mga sundalong tinamaan ng landmine na hinihinalang itinanim at nilagyan ng bacteria ng NPA.
The post AFP nagpapasaklolo sa mga eksperto vs biochemical weapons ng NPA appeared first on Remate.