NIYANIG ng 3.5 magnitude na lindol sa lalawigan ng Iloilo ngayong araw.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig kaninang alas-7:33 ng umaga.
Natukoy ang epicenter sa layong 12 kilometro sa timog kanluran ng San Joaquin, Iloilo.
Ang lindol ay sinasabing may lalim lamang ng isang kilometro at itinuturing na mababaw na pagyanig.
Tectonic umano ang pinagmulan nito o resulta ng paggalaw ng tectonic plates sa nasabing lugar.
The post Iloilo, niyanig ng lindol – Phivolcs appeared first on Remate.