HINIHINALANG bangag sa iligal na droga ang isang lalaki nang magsisigaw ito sa gitna ng lansangan at saksakin ang sarili sa Taguig City.
Nakatarak pa sa tiyan ang patalim nang isugod ng mga miyembro ng Barangay Security Force sa Taguig-Pateros District Hospital si Edgar Beloro, ng Barangay Rizal, Makati City.
Sa ulat, nadatnan na lamang ng mga rumespondeng miyembro ng Barangay Security Force na nakahandusay na ang biktima sa gitna ng kalye sa Molave St. North Signal Village, alas-11 ng tanghali.
Hinala naman ng mga tauhan ni Taguig Police chief Senior Supt. Arhur Felix Asis na posibleng nasa impluwensiya ng droga si Belero nang ipahayag sa pulisya na may mga humahabol sa kanyang kalalakihan sa hindi mabatid na dahilan.
Parami aniya nang parami ang humahabol sa kanya kaya minabuti niyang magpatiwakal na lamang sa halip na kuyugin at bugbugin ng humahabol na kalalakihan.
Pinasinungalingan naman ng mga residente ang pahayag ni Belero dahil nag-iisa lamang ito nang makitang nagtatatakbo at nagsisisigaw hanggang magsaksak sa sarili.
The post Lalaking bangag sa droga nagsaksak sa sarili appeared first on Remate.