Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

1 patay, 22 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin sa CamSur

$
0
0

PATAY na nang idating sa pagamutan ang isang pasahero ng pampasaherong jeep na may biyaheng Naga-Libmanan matapos mahulog sa bangin sa boundary ng Milaor at San Fernando, Camarines Sur kanina.

Kinilala ang biktima na si Domingo Oliviaga, 43, residente ng Zone 3, Barangay Rizal, San Fernando sa naturang lalawigan.

Nagpapagaling naman ngayon sa pagamutan ang 22 mga sugatan na kinabibilangan nina Marvin Maravilla, 19, ng Brgy Bonifacgio, San fernando; Graciel Reyes, 14; Domingo Pana, 15; Jay Clarise, 11; Joshua Bitanggor, 11; Christian latumbo, 11; Mikrel Delos Reyes, 18; Kim Ivy Bitago, 17; at Maris Noora, 19; na pawang mga estudyante. Sugatan rin ang mga trabahador na sakay ng jeep na sina Charlie Nollan, 20; Rogelio Labisares Jr., 40; Ercikson Masapol, 35; Ramil Lotilo, at Christian Lavisares, 20. Sugatan din ang ilang mga empleyado na sina Mariflor Latumbo, 32; Rodolfo Claveria, 38; Mario Aquido, 24; Joel Norieste, 31; Pia Rose Bacardo, 22; Rodelie Bosenas, 21; at Rosalyn Magtagob, 22, ng Barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur.

Nagpapagaling din sa ospital dahil sa sugat sa katawan ang driver ng jeep na si Joven Ablaneda, residente ng Ogis, Libmanan.

Ayon sa mga nakaligtas na pasahero, si Oliviaga ay nakasabit ito sa likod na parte ng sasakyan.

Kasasakay lamang umano nila nang mawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan daan para bumulusok sa bangin na may lalim na tinatayang 30 piye.

Sinasabing nakikipag-unahan ang driver ng jeep na si Ablaneda sa mga kasabayan nitong mga jeep na siyang itinuturong dahilan ng aksidente.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injuries ang driver dahil sa mga nasugatang mga pasahero.

Samantala, nasa lugar pa rin ng pinangyarihan ang pampasaherong jeep na nasangkot sa aksidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.

The post 1 patay, 22 sugatan sa nahulog na jeep sa bangin sa CamSur appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>