LUMOBO pa ang bilang ng mga nagsilikas sa Zamboanga City dahil sa nagaganap na stand-off na nasa ikalimang araw na ngayon.
Batay sa ulat, nasa 24,217 na ang mga nagsilikas mula sa ilang mga barangays dahil sa takot sa sagupaan.
Kasunod na rin ito ng atas ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga na forced evacuation sa iba pang mga kalapit na barangay na nagkakanlong ang MNLF fighters na supporters ni Nur Misuari.
Sinasabing nasa siyam na barangay na ang apektado mula sa naunang limang mga barangay na nananatli ang mga armadong rebelde.
Nadagdagan din ang bilang ng mga evacuation centers sa syudad na nasa 17 na.
Ang pinakamaraming bilang ng mga evacuees ay nasa Zamboanga Sports Complex na mahigit na sa 15,000.
The post 24,000 evacuees na dahil sa Zambo siege appeared first on Remate.