Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

62,000 evacuees na sa Zambo tensions

$
0
0

UMAABOT na sa mahigit 60,000 ang bilang ng evacuees bunga ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at tropa ng pamahalaan sa Zamboanga.

Ayon kay Nurraber Bue, ang provincial information officer ng DSWD nasa 11,629 na pamilya o katumbas ng 62,329 na indibidwal ang kabuuan ng bilang ng mga nagsilikas hanggang nitong Sabado ng umaga.

Sa Zamboanga Sports Complex pa lamang ay mahigit sa 44,472 na ang bilang ng mga nagsilikas dahil sa takot na maipit sa nagpapatuloy na stand-off.

Bagamat may tulong na ibinibigay ang local at national government sa mga nagsilikas ay patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan ng tulong mula sa ibang grupo at pribadong sektor.

Sinabi pa ni Bue na kapos din sila sa mga tauhan para mamudmod ng relief goods kaya’t maging ang evacuees ay pinatutulong na rin sa ilalim ng cash for work program.

Kabilang sa kinakailangan ngayon ay ang mga kumot, diapers at gatas dahil marami ang mga sanggol sa evacuation centers, maging ang mga pagkain tulad ng noodles, bigas at mga delata ay mahalaga rin para sa mga kababayang apektado ng krisis.

The post 62,000 evacuees na sa Zambo tensions appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>