NAGBIGTI ang isang negosyante matapos malaman na mapuputulan na ng kuryente nang hindi makabayad dahil sa kakapusan ng pera sa Caloocan City, Lunes ng umaga, Setyembre 23.
Patay na nang makita si Ernesto Mata, ng Aries St., Gremville Subd., Bagbaguin ng lungsod.
Sa ulat, alas-6 ng umaga, nagpunta si Danila Beloro sa bahay ng biktima upang kunin ang inorder na buko salad na negosyo ni Mata subalit laking gulat nang makitang nakabigti na ng nylon cord ang biktima.
Lumalabas na nalaman ng biktima na mapuputulan na ng kuryente ang kanyang bahay dahil hindi nakakabayad matapos kapusin ng pera.
Inaalam na ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.
The post Negosyante nalugi, nagbigti appeared first on Remate.