PATAY ang isang lalaki matapos tagain sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Sta. Cruz, Maynila kaninang umaga.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang inilarawan na may edad 40-45, katamtaman ang pangangatawan, naka-t-shirt at checkered na pantalon, may tattoo sa kaliwang braso na “Jun Decal” at “Jun Ducat”, “Boysi ng Masa” at Odgue Carbonel” habang sa kanang braso ay may tattoo na “Cassandra Nathaniel April”.
Sa imbestigayon, alas-8:02 ng umaga nang nakita ang biktima na nakahandusay sa eskinita ng Tomas Mapua St. malapit sa Batangas St., Sta Cruz, Maynila.
Ayon kay SPO3 Dante Fabro ng Manila Traffic Enforcement Group, nadaanan niya ang biktima na nakahandusay, duguan at mga may tama ng taga sa mukha at ulo dahilan upang i-report sa MPD-homicide
Sinabi ng isang saksi na huling nakita ang biktima na may tumaga sa kanya ng paulit-ulit at bagama’t duguan na ay nagawa pa nitong tumakbo ng may 10 metro ang layo hanggang sa tuluyang bumagsak.
The post Kelot tinaga sa ulo sa Maynila appeared first on Remate.