PATAY ang isang binata habang sugatan naman ang kanyang nanay matapos silang malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang sakay ng tricycle sa Brgy. Longos, Malabon City.
Dead on spot sa loob ng tricycle ang biktimang si Marlon Candelario, 47, ng 240 Rodriguez St., Daungan Balot Tondo Manila sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa kanang bahagi ng ulo na tumagos sa kaliwang leeg.
Samantala inoobserbahan naman sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang magulang ng nasawi na si Aurora Maming Candelario, 72, sanhi ng tama nasabing baril sa kanang balikat.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng gate away motorsiklo na hindi naplakahan.
Sa ulat, alas-4:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Lapu Lapu Ave., sa nasabing barangay.
Base sa report, sakay ng isang tricycle ang mag-ina habang tinatahak ang nasabing lugar nang dinikitan sa kanang bahagi ng mga suspek sa pinagbabaril.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Mag-ina niratrat sa Malabon appeared first on Remate.