NAGPASYANG wakasan ang sariling buhay ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagbibigti matapos magkaroon ng pagtatalo sa menor de edad niyang live-in partner kaninang umaga sa Brgy. Ibaba, Malabon City.
Patay nang idating sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) si James Bryan Soledad, 18, quality control ng Liwanag Candle at naninirahan sa #112 Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon, alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabigti sa loob ng bahay nito.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakita ang biktima ng kanyang inang si Eloida Soledad, 44, na nakabigti gamit ang nylon cord na itinali nito sa kanyang leeg bago ipinulupot sa biga ng kanilang bahay.
Agad na nanghingi ng tulong si Eloida sa kanilang mga kapitbahay kaya mabilis na naisugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na rin umabot nang buhay.
Napag-alaman pa sa mga awtoridad na bago ang insidente ay narinig na nakikipagtalo ang biktima sa menor de edad na live-in partner nito na nakilalang si Elaine Abrasaldo sa hindi malamang dahilan na labis na dinamdam ni Bryan dahilan upang kitlin ang sariling buhay.
The post Inaway ng dalagitang ka-livein, kelot nagbigti appeared first on Remate.